^

PSN Showbiz

Dating sikat na male TV personality inalat ang career nang mambaboy ng karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa halip na mainis ay nakakaawa pa nga ang isang dating kila­lang male TV personality sa kanyang mga pinaggagagawa nga­yon. Sa kawalan niya ng pinagkakaabalahan ngayon ay marami siyang nagagawang hindi kagandahan.

Sabi nga ng kanyang mga dating kasamahan, kung abala pa rin siya hanggang ngayon ay hindi siya magkakaganyan, wala siyang magiging oras sa pakikisawsaw sa mga isyung pinagpipistahan.

Kuwento ng isa naming source, “Napakalibre na kasi ng oras niya ngayon, unlike before na talagang sa paggising pa lang niya hanggang sa patulog na siya, e, occupied ang time niya dahil sa dami ng work niya.

“Kaso, inalat siya, nawalan siya ng trabaho, nag-apply siya sa maraming network, pero wala nang kumuha sa kanya. Kaya ayun, pa-social media-social media na lang siya ngayon, palasawsaw sa kung kani-kaninong buhay!” simulang kuwento ng aming impormante.

Ikinuwento rin ng aming source na nagsimulang alatin ang TV career ng male personality nang hiwalayan na siya ng nakarelasyon niya nang matagal na panahon na isa ring popular sa hanay nila.

“Nahuli kasi siyang nambababae, kaya nakipaghiwalay sa kanya ‘yung female personality. Naku, napakatagal niyang sinusuyo ang girl, pero hindi bumigay sa kanya, ni ayaw ngang magpahawak sa kanya nu’ng babae!

“Baboy kung tawagin siya ng girl, talagang diring-diri sa kanya, hanggang sa isang araw, nagbabu na ang girl!” madiin pang kuwento ng aming source.

Pinutol na ng female personality ang lahat-lahat ng puwede pang mag-ugnay sa kanila. Nagpaalam sa himpapawid ang tambalan nila sa isang sikat na programa, ayaw nang makipagtrabaho sa kanya ng babae, kaya ang male personality ang napuruhan.

“Siya naman ang humanap sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon, e. Kaganda-ganda ng takbo ng career niya nu’n, kilalang-kilala siya, di ba?

“Bentang-benta ang mga opinyon niya nu’n, maraming naniniwala sa kanya, pero sinayang niya ang napakagandang opportunity na ‘yun. Ngayon, magsisigaw man siya sa radyo, may maniniwala pa ba naman sa kanya?

“Kaya ano na lang ang pinagkakabisihan niya ngayon? Mag-abang ng isyung pinagpipistahan, agad na siyang makikisawsaw, negang-nega na ang male personality na ito!

“Sayang siya, nandu’n na siya nu’n, e! Pero pinalampas pa niya ang pagkakataon. Nakakalungkot ang sitwasyon niya, kaya instead na mainis ang mga dati niyang kasamahan, naaawa pa nga sa kanya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Ion rebound lang ni Vice?!

Love on the rebound daw ni Vice Ganda si Ion Perez. Pagkatapos siyang iwan ng basketbolistang si Calvin Abueva ay biglang natuon ang kanyang atensiyon kay Kuya Escort.

Nandu’n palagi ang binata para siya aliwin, pan­samantalang gamot niya si Ion sa sobrang lungkot na ipinamana sa kanya ni Abueva, hanggang sa ma­tu­tuhan na rin niyang mahalin ang binata.

At balita ngang nagli-live-in na sila ngayon, nakatira na si Kuya Escort sa bahay ni Vice Ganda, at sa Linggo nang gabi ay umamin na silang mag­karelasyon sa GGV.

Taped ang programa ni Vice, kaya nang lumabas ang kuwentong nagkaroon na ng aminan tungkol sa kanilang relasyon ay maraming tanong ang lumutang, bakit sa GGV sila naglantad ng kanilang relas­yon at hindi sa It’s Showtime kung saan sila magkasama?

Tanong ni Ogie Narvaez Rodriguez, “Dahil kaya sa palaging talo ng show nina Boobay at Tekla ang GGV, kaya du’n nila mas piniling mag-out ng relasyon nila?”

Puwede. At puwede rin namang walang pinipiling lugar ang pag-amin. Kung ano ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa ay gusto na nilang ipagsigawan sa buong mundo.

Wala namang krimen kung totoo ngang magkarelasyon na sina Vice Ganda at Ion Perez. Sa kanilang pagmamahalan ay wala naman silang tinatapakan, wala silang inaabala, puso nila ang nasusunod sa hinahanap nilang kaligayahan.

Maraming humuhusga ngayon kay Ion, kinakambalan ng “Please use me in a sentence” ang kanyang pangalan, lantarang panggagamit daw sa sikat at mayamang komedyante ang kanyang pinasukan.

Malay naman natin. Baka dahil sa kabaitan sa kanya ni Vice ay na-develop ang Kuya Escort ng bayan. Tanawin na lang muna natin sila nang malayuan.

vuukle comment

ION PEREZ

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with