^

PSN Showbiz

Marian Rivera pinaghahandaan na ang pag-ire

Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Marian Rivera pinaghahandaan na ang pag-ire
Marian

SEEN: Dalawang linggo nang hindi napapanood si Marian Rivera sa Sunday Pinasaya dahil officially on leave na siya. Pinaghahandaan na ni Marian ang pagsisilang niya sa second child nila ni Dingdong Dantes sa April 2019.

SCENE: Pinag-aaralan ng mga nagmamalasakit kay Maine Mendoza ang solusyon na gagawin sa mga unfavorable comment and reaction tungkol sa relasyon nila ni Arjo Atayde.

SEEN: Hindi matanggap ng die-hard supporters nina Maine at Alden Richards ang katotohanan na nakikipagmabutihan na ang dalaga kay Arjo.

SCENE: Ang sagot ng Daddy’s Gurl director na si Chris Martinez sa mga nagbabanta na pano­noorin nila sa huling pagkakataon ang sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza dahil sa pag-amin nito tungkol sa relasyon kay Arjo Atayde. “Stop tagging me with tweets saying ‘manonood kami pero last na.’

“Ano ang gusto n’yong maramdaman ko? Just stop. Wag ganun,” ang reaksyon ni Martinez.

SEEN: Ang direktor na si Louie Ignacio ang magdadala sa Pilipinas ng Best Actress trophy na napa­nalunan ni AiAi Delas Alas sa 39th Fantasporto International Film Festival ng Portugal. Ibibigay kay AiAi ang acting award niya sa live episode ng Sunday Pinasaya sa darating na Linggo, March 10.

SCENE: Tinawag ni Ogie Alcasid na pinsan si AiAi Delas Alas sa congratulatory message niya sa Comedy Queen dahil sa tagumpay nito sa 39th Fantasporto International Film Festival. Iilan ang nakakaalam na magpinsan sina Ogie at AiAi sa mother side at Delas Alas ang middle family name ng singer/songwriter.

SEEN: Sa March 20, 2019 ang playdate sa cinemas nationwide ng Papa Pogi, ang launching movie ni Teddy Corpuz ng Rocksteddy band.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with