^

PSN Showbiz

Mga lumang sinehan burado na ang alaala

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga lumang sinehan burado na ang alaala
Monsour

Speaking of pagbagsak ng movie industry, may tatlong  rason na nakikita si dating actor at pulitiko ngayon na si Congressman Monsour del Rosario.

Ayon sa Taekwondo champion, 18 years ago pa, naramdaman  na niya ang problema ng pelikula. At ang nakikita niyang unang naka-contribute para rito ay ang piracy. “Yun ilang mga kababayan siyempre natin, hindi na lumalabas ng bahay para manood ng sine, bumibili na lang sila ng DVD para mas makamura sila at paulit-ulit pa nilang napapanood,” sabi nito sa napanood kong interview niya.

Nakikita rin niya ang problema sa taxes dahil sa pagmahal na rin ng materials sa paggawa ng pelikula. “Noon uso pa ang mga action film, pero ngayon wala nang gustong gumawa kasi mahal na. Mahal na ang mga pasabog, mahal na magpasara ng kalsada, mahal ang bala at siyempre mahal na rin ang presyo ng mga stuntmen. Kaya talagang nawala na ang action films,” dagdag niya.

Nakikita rin niyang factor ang na-monopolize na rin ng mga sinehan ang pagpapalabas ng mga sine. “Dati may mga independent movie houses. Dito sa isang sinehan puro drama, sa isa puro action or comedy,” pag-alala niya na mula sa congress ay susubok maging vice mayor ng Makati.

Nakikita rin niyang problema ang malalaking talent fee ng mga sikat na artista.

Actually, may point naman talaga. Lalo na dun sa mga independent movie houses na kawawa ang kinahinatnan nang mapanood namin sa I Witness noong Sunday na si Atom Araullo ang nag-investigate.

Wala na halos alaala ang mga sinehan noon na dinadagsa ng fans. 

vuukle comment

MONSOUR DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with