^

PSN Showbiz

Liza Soberano at Enrique Gil gusto na ring magka-diploma

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza Soberano at Enrique Gil gusto na  ring magka-diploma
LizQuen

Sa February 13 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Alone / Together na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Gumanap bilang mga estudyante sina Liza at Enrique sa bagong proyekto kaya sumagi sa isipan ng dalawa na makapagtapos ng pag-aaral sa totoong buhay. “I always say I wanna go back to school. I am in school right now but it’s my dream to finish, like to graduate. If I only knew na puwede pala to study and work at the same time I would have done it,” nakangiting pahayag ni Liza.

Ibang klaseng paghahanda ang ginawa ng aktres para sa kanyang karakter sa nasabing pelikula. “Nag-interview po ako ng four students and one teacher about how it is as a UP (University of the Philippines) student. Then how it is as an Art Studies major. Nakaikot po kami ng UP, sumakay po ako (sa jeep na UP-ikot), kumain kami sa area 2,” kuwento ng dalaga.

Nakaramdam naman ng panghihinayang si Enrique na hindi pa rin siya nakapagtatapos ng kolehiyo katulad ng kanyang mga kaibigan. “I really felt lang, ‘sayang lang,’ like all my friends are doing this and I have to go on a different path. But thinking about it now I wouldn’t give this up for the world but I can still change it sa future. I mean it’s never too late,” giit ni Enrique.

Roxanne hands on sa pamilya

Aktibo nang muli si Roxanne Guinoo sa pagiging artista. Pagkatapos lumabas sa isang episode ng Ipaglaban Mo kamakailan ay napanood din ang aktres sa teleseryeng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin noong pilot week.

Masayang-masaya si Roxanne dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon na makaarte sa telebisyon. “Masaya, siyempre kasi ang bilis na ng mga artista ngayon and hindi lang ako happy for myself. Kasi ‘yung batch namin active like si Joross (Gamboa), Joseph (Bitangcol), and si Hero (Angeles), nandiyan. Hindi naman kami mawawala hangga’t minamahal kami ng viewers natin,” bungad ni Roxanne.

Kapag walang trabaho ay ang pamilya raw ang pinagkakaabalahan ng aktres lalo na ang kanyang dalawang anak. “Motherhood pa rin, dyina-juggle ko ‘yung time ko being a mom and siyempre ito, tumatanggap ng pakonti-konti. Come what may, kung ano po ang ibigay sa atin, kung ano ang darating, yayakapin natin. So let’s see kung paano natin mababalanse. Kasi hindi joke para maiwanan ko ‘yung mga anak ko. Gusto ko hands-on ako sa kanila,” pagbabahagi ni Roxanne.

Pinapangarap din ng aktres na magkaroon sila ng reunion project ng mga kasamahan sa Star Circle Quest batch 1. “Wish naming magkaroon kami ng reunion kahit man lang isang episode, kahit nga pelikula pangarap ng grupo ‘yan eh. So sana merong mag-produce or magplano para sa batch namin,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with