^

PSN Showbiz

Marco umamin sa naging relasyon nila ni Juliana

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marco umamin sa naging relasyon nila ni Juliana
Marco at Juliana

Nakabalik na sa Pilipinas ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo.

Matatandaang umalis ang baguhang aktor sa bansa noong isang taon upang magbakasyon at mag-aral sa Italy. “You will realize how important is one thing kapag na-miss mo. And I miss this job kasi nag-meet and greet ako sa Rome, and do’n ko na-realize na siguro ito ‘yung trabaho na gusto kong gawin na hindi naman panghabambuhay pero pangmatagalan din po,” kuwento ni Marco.

Ayon sa binata ay wala naman siyang naiwang kasintahan sa Italy katulad nang napabalita kama­kailan. “Wala naman po, Alice is just a real friend. That was her 18th birthday. We’re friends since no’ng first year of college,” giit ni Marco.

Matatandaang naugnay din noon ang aktor sa anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana Gomez. Madalas kasing nakikitang magkasama ang dalawa kaya posibleng naging opisyal ang relasyon nina Marco at Juliana noon. “Yes, parang gano’n. Parang there was something between us and then I left. Siguro it was not the right time. We both prefer to be friends. We were just mutual, parang gano’n,” pagtatapat ni Marco.

Napag-usapan din naman ng aktor at ni Juliana ang kanilang paghihiwalay nong isang taon.

“Yes, we prefer to be mature and to not fight over it. Kasi there’s bigger stuff going on that time, na we both said siguro it’s not the time. We like each other pero we’ll still be friends and until now we talk,” paglalahad ng binata.

Para kay Marco ay posibleng ligawan niyang muli ang dalaga. “Kapag ginusto ng damdamin ko, bakit hindi,” giit niya.

Enchong mas pinahahalagahan ang pahinga kesa sa pera

Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata si Enchong Dee sa ABS-CBN. Masayang-masaya ang aktor dahil sa patuloy na pagtitiwala ng Kapamilya network sa kanya. “Hanggang kailangan ako ng kompanya, that’s one. Number two, I know that I’m passionate still about my work. And number three, basta pinapakitunguhan ko ‘yung lahat ng mga nakakatrabaho ko lahat nang mabuti. Kasi kahit gaano ka kagaling, kahit gaano ka ka-talented, kapag masama ang ugali mo, no one wants to work with you,” makahulugang pahayag ni Enchong.

Wala mang katambal ang aktor sa mga proyektong ginagawa ay kampante namang  maayos ang pagtatrabaho bilang isang artista. “For the longest time I’ve been working with Erich (Gonzales) for seven years we were together. I’ve done that part so I’m looking for that different challenges. I’m looking for different ways on how to improve myself. Love team can help you in certain part, in certain time but not until you get old. You don’t want to keep doing same things over and over again. I’m also in the age na parang I would value rest, I would value my health more than just earning money,” paliwanag ni Enchong.

vuukle comment

ENCHONG DEE

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with