^

PSN Showbiz

Yen Santos, nangangarap magka-experience kay Coco Martin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yen Santos, nangangarap magka-experience kay Coco Martin
Yen

Nalalapit na ang pagtatapos ng tele­seryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Sam Milby at Yen Santos.

Ayon kay Yen ay nakara­ramdam ang buong grupo nila ng pressure dahil sa patuloy na pinag-uusapan ng mga manonood ang ka­ni­lang programa. “Hindi naman mawawala ang pressure. Ang maganda do’n, kung may pressure, mas gusto mo pang magtrabaho nang mabuti para sa ikaga­ganda ng show,” nakangiting bungad ni Yen.

Kapag nagwakas ang nasabing serye sa susunod na buwan ay posibleng gumawa muna ng isang pelikula ang aktres. “For now magpo-focus muna ako sa Halik, pero after baka movie naman,” giit ng dalaga.

Nangangarap si Yen na makasama sa isang proyekto si Coco Martin. “Hindi ko pa siya nakakatrabaho. Ang dami kong naririnig na magagandang ginagawa niya para sa show (FPJ’s Ang Probinsyano). Hindi lang kasi siya nag-aartista ngayon, nagdidirek pa, lahat ginagawa niya. Gusto ko lang ma-experience kung paano nga ba makatrabaho ang isang Coco Martin,” pagtatapat ni Yen.

 Ina payag magpaseksi rin ang anak

Walang magiging problema kay Ina Raymundo kapag nagkaroon ng interes ang mga anak na pasukin din ang show business. Dalaga na ngayon ang panganay ng aktres at Brian Poturnak na si Erika.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Ina na sundan ng anak ang kanyang mga yapak. “I guess ‘pag nasa tamang edad na siya, kasi underage pa siya eh. May pangarap ako na parang nakikita ko na when  she’s at the right age, ‘yung Sabado Nights commercial ko, it’s so nice to pass it to her. Parang nasa bar kami, tapos siya ‘yung papasok, tapos magmi-meet kami as mom and daughter, may date kami. Ayoko kong ma-pre-empt pero I’m such a daydreamer. So that’s one, na sa kanya na malilipat ‘yung title,” paglalahad ni Ina.

Nakikita rin ng sexy actress sa anak ang sarili pagdating sa pag-uugali. “’Yung attitude niya is exactly like me. No’ng lumabas ‘yung Sabado Nights, ‘Woman of the ‘90’s’ ang tagline nila sa akin noon. So siya ‘yung nakikita ko, very millennial, she’s such a feminist,” paliwanag ng aktres.

Bukod sa pagiging isang artista ay nakikita rin umano ni Ina kay Erika ang maging isang beauty queen dahil sa hilig nitong tumulong sa komunidad. “Sabi ko nga, ‘Erika, pagpatuloy mo ‘yan para sa Miss Universe.’ Sabi niya, ‘You are so obsessed.’ Sobra talaga obsession ko sa mga beauty pageants. I want my one of my others to be,” natatatawang kwento ni Ina. (Reports from JCC)  

vuukle comment

COCO MARTIN

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with