^

PSN Showbiz

Janine mas nag-match ang hitsura kay Rayver!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Janine mas nag-match ang hitsura kay Rayver!
Rayver at Janine

Dugong mestiza talaga si Janine Gu­tierrez dahil nagmana siya sa kanyang lola na si Pilita Corrales na may Spanish at American blood.

Ang ganda-ganda ng mukha ni Janine at bagay na bagay sila ni Rayver Cruz, lalo na sa height. In fairness, mas bagay sila ni Rayver kesa sa kanyang ex-boyfriend na si Elmo Magalona.

Saka parang lucky team sila ni Rayver dahil pareho na maganda ang takbo ng kanilang career ngayon at feel mo talaga ang happiness ni Janine dahil glowing siya at lalong gumanda.

Isang maipagmamalaki ni Janine ang pagkakaroon niya ng college degree. Mawala man siya sa showbiz, may fallback siya. Lucky si Leo Dominguez dahil mabait na talent si Janine na lead actress ng Elise, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na showing sa mga sinehan sa February 6.

Bagay sa Hitmakers

Matagal ko nang hindi nakikita si AiAi delas Alas kaya natuwa ako nang magkaroon ng presscon para sa Hitmakers and Ai, ang  Valentine concert nila nina Marco Sison at Hajji Alejandro at Rey Valera.

Si Anna Puno ang producer na ang saya ngayon dahil sa nangyayari sa career ni Rita Daniela. Si Anna ang manager ni Rita na gumaganap na Aubrey sa My Special Tatay. Sikat ngayon ang loveteam ni Aubrey at ni Boyet na ginagampanan ni Ken Chan dahil type na type ng televiewers ang kanilang mga eksena sa afternoon drama series ng GMA 7.

Anyway, maganda ang kumbinasyon ng Hit Men at ni AiAi dahil madalas sila na magkakasama sa mga concert sa Pilipinas at sa ibang bansa kaya gamay na gamay na nila ang kanilang mga joke.

Sure ako na mami-miss ng grupo si Rico J. Puno dahil madalas ito na kasali noon sa kanilang mga show pero tiyak na hindi mawawala  sa kanilang repartee ang pangalan ng kanilang pumanaw na kaibigan.

Malaki ang nagagawa ni Anna Puno para laging maging mainit ang concert scene dito sa atin at marami ang mga singer na tinutulungan niya para magkaroon ng show sa abroad.

Wala talagang tatalo kay Anna pagda­ting sa mounting ng mga concert dahil ito ang expertise niya.

Ruru ipinarinig ang magandang boses

Maganda pala ang boses ni Ruru Madrid na first time ko na narinig na kumanta sa presscon ng TODA One I Love.

Si Ruru ang kumanta ng theme song ng TODA One I Love na ipinarinig niya sa entertainment writers  sa presscon ng bagong primetime show ng GMA 7.

Impressed ako sa singing voice ni Ruru. Malaki rin ang improvement ng kanyang physical appea­rance mula nang mag-umpisa siya sa showbiz bilang contestant ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break, ang talent search ng Kapuso Network noong 2013.

As per his acting, naging mas marubdob at puno ng emosyon ang pagganap ni Ruru sa mga teleserye na pinagbibidahan niya dahil nagkaedad na rin siya.

Mas nahasa ang acting ability niya sa kanyang mga seryosong pagganap. Panoorin natin ang muling pagtatambal nina Ruru at Kylie Padilla sa TODA One I Love after Onanay sa GMA 7 sa Lunes, February 4.

vuukle comment

JANINE GU­TIERREZ

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with