^

PSN Showbiz

Karen Gallman postponed ang pagpapakasal dahil sa korona!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Karen Gallman postponed  ang pagpapakasal dahil sa korona!
Karen Gallman

SEEN: Ki­nu­kutya ng mga kababayan ng mga talunan na kan­didata ng Miss Intercontinental 2018 ang Pilipinas dahil ang Philippine bet na si Karen Gallman ang nanalo ng korona. Sinabi nila na dapat nang palitan ng Miss Philippines Intercontinental ang international beauty contest na ginanap ang coro­nation night sa Mall of Asia Arena noong Sabado, Ja­nuary 26, 2019.

SCENE: Palaisipan sa marami na hindi nakasali sa Top 6 ng Miss Intercontinental 2018 ang crowd favorite na si Miss Paraguay Gabriela Natasha Soley pero ayon sa mga insider, hindi siya articulate sa pagsasalita.

SEEN: Si Karen Gallman ang unang Pilipina na nanalo ng Miss Intercontinental crown. Deserving na magwagi ang Fil-Australian beauty dahil maganda at matalino siya.

SCENE: On-hold ang pag­pa­pakasal ni Karen Gallman at ng kanyang fiancé na si Ian Garton dahil tutuparin niya sa loob ng isang taon ang kanyang mga responsibilidad bilang Miss Intercontinental 2018.

SEEN: “Ang guwapo n’yo po. Kamukha kayo ni Robin Padilla noong bata pa kayo,” ang sabi ni Billy Crawford kay former PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa. Si Billy ang emcee ng Miss Intercontinental 2018 at isa sa mga hurado si Bato na isinalin ang life story na pinagbibidahan ni Robin.

SCENE: Glu-Go La Union ang working title ng pelikula na gagawin nina Enzo Pineda, Kiko Estrada, David Licauco, Derek Monasterio, Teejay Marquez at Ruru Madrid. Kukunan sa La Union ang mga eksena ng upcoming movie ng ALV Films ng talent manager na si Arnold Vegafria.

SEEN: Naghahanda na ang mga kandidata na nagbabalak na sumali sa Bb. Pilipinas 2019, kahit hindi pa naglalabas ng official announcement ang Bb. Pilipinas Charities Inc. tungkol sa screening dates. Ramdam ang tamlay ng Bb. Pilipinas 2019 dahil sa balita na hindi na ang BPCI ang may-hawak ng franchise ng Miss Universe Philippines na ipinagkaloob ng Miss Universe Organization sa LCS Group of Companies ng businessman na si Luis ‘Chavit’ Singson.

SCENE: Ngayong gabi, January 28, ang airing sa Sari-Sari Channel ng Cignal TV ng Will You Marry Me? ang television series na tinatampukan nina Sam Concepcion at Shy Carlos.

SEEN: Good health para sa kanya at sa mga minamahal niya sa buhay ang birthday prayer ni Yasmien Kurdi na nagdiwang ng 30th birthday noong Biyernes, January 25, 2019.

vuukle comment

KAREN GALLMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with