^

PSN Showbiz

Liza hindi na pinatulan si Ricci!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Liza hindi na pinatulan si Ricci!
Ricci

Hindi na pinalaki ng kampo ni Liza Soberano ang isyu nito kay Ricci Rivero na kung saan na-misinterpret lang ang sagot ng basketbolista sa tanong kung gusto nitong makatrabaho si Liza.

Ipinost naman ni Ogie Diaz ang text sa kanya ni Ricci na nagsu-sorry sa sagot niyang iyun.

Bahagi ng text ni Ricci kay Ogie, “Tito Ogie, super sorry po for what happened. I didn’t mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don’t wanna go between Enrique and Liza because I respect the loveteams in the industry and I even said that Liza will always be Liza.”

Sino naman daw siya para tumanggi sa isang Liza Soberano. Baka naiba lang daw ang ibig sabihin ng sagot niyang iyun.

Nakausap ko naman ang handler ni Ricci ng Virtual Playground at sa Reality Films na rin.

Ipinaliwanag sa akin na hanggang February lang daw talaga sa showbiz si Ricci dahil ang basketball naman talaga ang priority niya.

Sinasabi naman ni Ricci sa mga nakaraang interview niya na kapag magsimula na siyang mag-training para sa UAAP, titigil muna siya sa pag-aartista.

Kaya pagkatapos pala ng Otlum, kaagad na sinimulan nila ang pelikulang Happy Times na si Ricci uli ang bida.

Naghahanap pa raw sila ng babagay na leading lady, pero dapat hanggang February lang talaga ang shooting.

Pagkatapos daw ng mga laro ni Ricci, saka nila ito ipalabas para makapag-promote ang basketbolista.

Kaya iyun daw ang ibig sabihin ni Ricci na kapag may available na schedule dahil nakalaan daw talaga ang schedule niya sa training at paglalaro.

Na-enjoy naman daw ni Ricci ang showbiz, kaya lang mas prioritized niya ang paglalaro.

May iba pa nga raw na projects na inila-line up sa kanya ng Reality.

Dingdong sure na sa Starstruck

Sa January 20 ay mamimigay na ang Starstruck ng application form sa Sunday Pinasaya para sa pagsisimula ng audition kinabukasan.

Nung nakaraang linggo pa lang ay nagsisimula nang magpa-audition ang ilang talent agency para ipa-audition nila sa naturang talent-reality search.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, mas mahirap at mas matindi raw ang audition ngayon para masala na agad at hindi na magtagal kung talagang hindi ito makakapasok.

The Starstruck Experience ang tawag nila sa ngayong season na ang latest na nakuha kong impormasyon, si Dingdong Dantes pa rin ang maghu-host at wala pa silang napiling co-hosts.

Malapit na raw mag-expire ang kontrata ni Dingdong kaya ayaw pa muna nilang kumpirmahin.

Pero tiyak namang mari-renew ang kontrata niya, at hindi siya pakakawalan ng GMA-7 dahil maganda ang feedback sa Amazing Earth niya na consistent na mataas ang rating.

Paganda na rin nang paganda ang Cain at Abel, kaya marami pang puwedeng gawin si Dingdong sa GMA.

Samantala, exciting din daw ang line-up ng judges na hindi pa muna puwedeng i-reveal.

Wala kaming ideya kung sino raw itong uupong judge na napakataray.

Abangan na lang natin.

vuukle comment

RICCI RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with