^

PSN Showbiz

Vice hindi napantayan ang kinita last year!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

As of presstime, hinihintay pa namin ang sagot mula sa Exe­com ng MMFF at MMDA kung puwede nang ilabas ang figures ng kinita ng walong pelikulang kalahok sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival.

Ang nakuha kasi naming impormasyon ay mahigit P500-M daw ang kinita ng pelikulang Fantastica nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

 May ilang nagsasabing mas mahina itong ngayong taong MMFF na pinabulaanan ng taga-MMFF dahil mas malaki ang kinita ng kabuuan ng walong entries.

Hindi siguro kasing lakas ng The Revengers ang Fantastica ni Vice Ganda, pero mas malakas itong Jack Em Popoy nina Coco Martin at Vic Sotto kung ikumpara ng pelikulang kalahok nila nung nakaraang taon.

Ayon sa spokesperson ng MMFF at ka-PEP Troika ko na si Noel Ferrer, inaasahan nila ang pagsali uli nina Vice Ganda, Vic Sotto at Coco Martin sa darating na MMFF pero inaasahan daw nila na sana magpadala rin ng interes sa pagsali ang mga namamayagpag noon sa MMFF kagaya nina Sen. Bong Revilla, Cong. Vilma Santos at pati si Nora Aunor.

Inaasahang mas maganda at malalaking pelikula ang makakasali para na rin sa pagdiriwang natin ng 100 years of Philippine Cinema.

Nabanggit na rin pala ni Sen. Tito Sotto na gusto niyang ipursige ang pagbuo ng National Film Commission na kung saan dito na raw mapapailalim ang ilang ahensya na may kaugnayan sa film industry kagaya ng FDCP, FAP at iba pa.

Kiko naudlot ang paglayas sa GMA

Ayaw muna ni Kiko Estrada na magkomento tungkol sa pag­lipat niya ng ABS-CBN.

Napabalita kasi na hindi raw ito in-allow ng GMA 7 na lumipat ng Kapamilya Network, kaya hindi pa alam kung tuloy pa rin ba siya sa bagong teleserye na Kapalaran na dinaluhan pa naman niya ang story conference nito.

Nakausap namin kahapon si Kiko sa press launch ng 4th Singkuwento International Film Festival 2018 at iniwasan muna niya itong pag-usapan.

Sabi lang niya; “I can’t comment about that now. I think they’re just finalizing everything, so I just don’t want to comment about that.

“I don’t want to ponder on things na hindi pa naman masyado pang ayos, but I know they’re fixing it. I know everything’s gonna be in line for my future projects. So, I’ll be able to do TV.

“Everything is in due process. If you’re patient, it will come to you. I believe if it’s my time, it’s my time.”

Abala pa naman si Kiko dito sa Singkuwento International Film Festival na kung saan kasama sa limang finalists ang pelikula niyang Promdi na dinirek ni Charlotte Dianco.

Magsisimula itong Singkuwento sa February 15 hanggang 22 na gaganapin sa NCCA Theater sa Intramuros.

Kasama rin siya sa biopic ni Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kung saan gagampanan niya ang batang si Gen. Bato.

Michael Angelo gustong turuan ang mga artista kung paano humawak ng pera

Samu’t-sari pa rin ang mga opinyon sa isyu ni Tony La­brusca na kung saan nakisali na rin ang DFA Sec. Teddyboy Locsin na nagmungkahing ipa-deport na raw si Tony.

Pero tinapos na nga ng Bureau of Immigration ang isyung ito, pero mainit pa rin itong pinag-uusapan.

Nahingan namin ng opinyon ang isang talk show host at inspirational speaker na si Michael Angelo, nabanggit niyang willing daw siyang magbigay ng workshop o trai­ning sa mga kabataang artista, lalo na sa pag-handle ng kanilang emosyon, at pati sa aspetong financial.

Pahayag ni Michael Angelo sa presscon ng programa niyang #MichaelAngelo The Sitcom; “Parang gusto ko pong mag­bigay ng Human Development training sa mga artista. Number one dito hindi lang emotional, financial literacy. Kasi napansin ko maraming artista ang yaman-yaman, sikat na sikat, pag wala na yung show, nganga na.

“May pag-uusap kami ng Artist Center na kung puwede ako magbigay ng Human Development training for artists..for those kind of concerns.”

Kung meron daw siyang maitulong sa mga artista ng GMA 7 ay gagawin niya dahil maayos daw ang pagtrato sa kanyang prog­rama sa GMA News TV.

May mga bago ngang aabangan sa kanyang #MichaelAngelo The Sitcom na magsisimula na ang Season 13 sa Ja­nuary 27.

“MichaelAngelo shows are always ins­pirational shows. MichaeAngelo, pro­mises to the country na bibigyan namin kayo ng magagandang programa.

“In fact, ipagdasal n’yo po pinag-aaralan na po namin na magkaroon ng #MichaelAngelo game show. And we will do this in the third quarter of this year.

“Ang gagawin po namin parang sugod barangay. Mamimigay po kami ng mga papremyo…variety show. So, there will be more to come for MichaelAngelo,” masaya niyang pahayag.

vuukle comment

KIKO ESTRAD

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with