^

PSN Showbiz

Yam, Nakikiusap na ‘wag husgahan ang mga kabit

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yam, Nakikiusap na �wag husgahan ang mga kabit
Yam

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang karakter ni Yam Concepcion bilang si Jade sa tele­seryeng Halik.

Ayon sa aktres ay marami siyang natatanggap na mensahe mula sa mga babaeng nakipagrelasyon sa may asawa. “Meron, mara­ming nag-DM (direct message) sa ‘kin na mga babae like from New York, mga OFW (Overseas Filipino Workers). Talagang sabi nila na, ‘We’re mistresses also,’ ‘I don’t blame you Jade kasi nagmahal lang naman tayo.’ Iba-iba ‘yan kumbaga lahat tayo we can’t judge them because mistresses, parang hindi nila pinlano ‘yon. Hindi nila pinlano na magmahal and to be a mistress, and no one wants to be a mistress,” pagbabahagi ni Yam.

Para sa dalaga ay hindi niya naman kinu­kunsinti ang pagiging kabit ng isang babae. Nakikiusap din si Yam sa mga tao na huwag basta husgahan ang babaeng umibig sa lalaking may asawa na. “I’m not saying na it’s right to be a mistress but we can’t judge them. Kasi iba ang sitwasyon nila eh, huwag husgahan,” giit ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nanalo si Yam bilang Most Trending Actress sa ginanap na Phi­lippine Social Media Awards dahil sa mahusay niyang pagganap sa nasabing serye. “Siyempre nakakatuwa. This is my first ever award which is even more special to me. Maganda kasi nare-recognize ‘yung hard work mo, ‘yung trabaho mo. So mas lalo akong na-inspire na pagbutihan ang trabaho mo na ginagawa mo,” nakangi­ting pahayag ni Yam.

Beauty kinuwento kung gaano ka-happy  si Ellen

Noong isang linggo ay nagkita sina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna. Ayon kay Beauty ay talagang maayos at masaya ngayon ang kalagayan ng matalik niyang kaibigan. “Si Stranger (tawag ni Beauty kay Ellen), okay naman siya, mukhang fresh, masaya. Yes, super happy. I mean she’s happy, she’s having the time of her life, lalo na ngayon na she’s living a private life. So ibang experience at ibang adjustment and blooming ang friend ko,” pagbabahagi ni Beauty.

Hindi raw napag-usapan ng magkaibigan kung babalik pa sa pag-aartista si Ellen. “Hindi namin napag-usa­pan, siyempre nami-miss namin ang isa’t isa. Iba ang napag-usapan namin. Masaya ako for her kasi we all want the best for our friends right? So masaya ako for her,” pahayag ni Beauty.

Kung mabibigyan ng pagkaka­taon ay gustong maging ninang ng aktres sa anak ni Ellen. “Bakit naman hindi, ninang siya ng anak ko eh, silang dalawa (Ellen at John Lloyd Cruz),” pagtatapos niya.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with