^

PSN Showbiz

Dating aktres na si Alona Alegre binawian ng buhay sa cardiac arrest

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Dating aktres na si Alona Alegre binawian ng buhay sa cardiac arrest
Alona

SEEN: Nagluluksa ang Salvador family dahil sa pagpanaw kahapon ng dating aktres na si Alona Alegre. Cardiac arrest ang ikinamatay ng 70-year old star at nakaburol ang labi niya sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City.

SCENE: Co-host ng Miss World 2018 si Miss World 2013 Megan Young na mas beauty queen pa rin ang itsura kesa kay Katarina Rodriguez at isa sa mga paboritong winner ni Miss World Organization Chair Julia Morley.

SEEN: Si Rocco Nacino ang host ng The Healthy Juan, ang Sunday night show niya sa GMA News TV at co-production venture ng Department of Health. Ang The Healthy Juan ang isa sa mga pagkakaabalahan ni Rocco kapag natapos na ang primetime show niya sa GMA 7, ang Pamilya Roces.

SCENE: Two minutes away lang sa bahay ni Benjie Paras ang condominium unit na binili ng kanyang anak na si Andre Paras. Plano ni Andre na paupahan ang condominium unit niya dahil hindi pa siya handa na umalis sa bahay ng kanyang ama.

SEEN: Tuloy na tuloy sa December 17 ang beach wedding ni Lotlot de Leon at ng kanyang Lebanese fiancé na si Fadi El Soury sa isang beach resort sa Batangas. Dadalo sa beach wedding ang nanay at mga tiya ng magiging groom ni Lotlot.

SCENE: Ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera ang mga bida sa indie movie na Ang Sikreto ng Piso pero sa presscon noong July 2017,ibinalita ni direktor na si Perry Escano na si Alfred Vargas ang lead actor ng kanyang second movie.

SEEN: For a change, ang mga kasamahan ni Coco Martin sa Ang Probinsyano ang mga kakampi ni Vic Sotto sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles at ang mga co-host ni Vic sa Eat Bulaga ang mga mga buddy ni Coco sa pelikula nila na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.

vuukle comment

ALONA ALEGRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with