^

PSN Showbiz

Ikalawang record holder ng TNT, itinanghal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patindi nang patindi ang bakbakan ng bosesan sa ikatlong taon ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime matapos nitong pangalanan ang ikalawang TNT Record Holder nitong si John Mark Saga na nakuha ang ikasampung panalo niya sa daily round noong Miyerkules (Disyembre 5).

Si John Mark ang unang singer mula Luzon na naabot ang record na ito, pagkatapos itong makuha sa unang pagkakataon ni Elaine Duran ng Min­danao noong Setyembre.

Ito naman ang unang pagkakataon sa tatlong taon ng pinakamalaking singing competition sa bansa na nagkaroon ito ng TNT Record Holders, kaya naman ngayon pa lang ay inaasahan na ang magi­ging banggaan ng dalawa sakaling makapasok sa grand finals si John Mark.

Nauna nang nakapa­sok sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan Year 3 si Elaine, samantalang ipagpapatuloy pa ni John Mark ang laban niya sa ikalawang semifinals ng kasalukuyang season.

Sa kanyang pinakahuling performance bilang defending champion, ina­wit ni John Mark ang Ikaw ng huradong si Yeng Constantino at nakakuha ng stan­ding ovation at 97% na score mula sa mga hurado.

Kagaya ni Elaine, pinapili rin si John Mark mula sa tatlong regalong handog ng kumpetisyon sa kanya bilang isang TNT Record Holder. Sa huli, pinili niya ang karagdagang cash prize na P50,000, laban sa pagkakataong makapag-record ng single sa TNT Records at ang special power na piliin ang mga kantang aawitin niya at ng kanyang mga makakatapat sa semifinals. Mauuwi naman ni John Mark ang kabuuang P310,000 na cash prize.

vuukle comment

TAWAG NG TANGHALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with