^

PSN Showbiz

Kilalang male singer nawindang nang madiskubreng may tama sa utak ang American GF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Matagal na palang hiwalay ang kilalang male singer sa kanyang American girlfriend na minahal naman niya nang husto.

Nung nagsama raw sila sa Amerika, doon nakilala nang husto ni male singer ang babaeng kinakasama niya.

Ang isa sa napansin niya, pinagtimpla raw siya ng kape.

Nagulat si male singer dahil iba ang lasa ng kape. Iyun pala sa halip na asukal, catsup daw ang inihalo sa kape.

Tinanong ni male singer ang American girlfriend bakit catsup ang inilagay, parang wala lang daw na sinagot siyang “for a change.”

Pinalagpas lang iyun ni male singer.

Pero ang the height na ginawa, niyaya ni male singer na magtalik na silang dalawa. Umatras daw si girl. Hawak hawak daw ang underwear nito at inamoy-amoy.

Sabi raw ni American girlfriend, ayaw daw niyang makipag-sex, tama na raw ‘yung inaamoy-amoy niya ang underwear ni male singer.

Iba na ang tama ng babaeng ito. Doon niya nalamang may history si girl na dumaan sa psychiatric treatment. Kaya nakipaghiwalay na siya at ngayon ay meron na siyang asawang kinakasama.

Anak nina Harlene at Romnick umamin sa kakaibang set up ng kanilang pamilya

Tanggap na ng anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na si Zeke Sarmenta na magiging iba na ang kanilang Pasko dahil hindi na magkasama ang kanilang magulang.

Pero nilinaw niyang magkaibigan naman daw ang mommy at daddy nila at sinisikap pa rin naman daw nilang maging normal pa rin silang magpapa­milya na merong ama at ina para sa kanilang mga bata.

Hindi lang niya ma-confirm kung saan sila sa Pasko at Bagong Taon.

Sabi ni Zeke na ka­sa­ma sa pelikulang Rain­bow’s Sunset na entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2018, “I think, it will be a little different. Kasi, honestly being frank, walang nagbago sa love na ibinibigay sa amin ng magulang namin.

“They’re very nice to each other, they’re friends.

“To me, it’s different but not in an emotional level. Yung set up lang yun lang yung different.”

Kahit hindi man niya sinasabi, ramdam pa rin ang lungkot sa mga sagot ni Zeke. Okay naman daw siya, pero hindi naman daw siya makapagsalita para sa mga kapatid niya.

“I think po kasi, iba-iba kami ng process ng healing. Ako, personally not to talk about it. And out of respect to my parents, I don’t want say a lot.

“But you know, I believe that everything will get better siguro. I’m just wanting on to hope. Yun na lang talaga ang pinanghahawakan ko,” saad ni Zeke.

Tinanong uli namin kung ipinagdadasal ba niyang magkabalikan ang magulang nila?

“I’m just praying for the happiness,” pakli ng 18-year old daughter nina Romnick at Harlene.

Nali-link kay Lloyd Samartino nagsalita na

Doon pa rin sa presscon ng Rainbow’s Sunset ay ikinuwento ng mga gumanap na young Eddie Garcia at Tony Mabesa na sina Ross Pesigan at Shido Roxas kung paano nila ginawa ang torrid kissing scene nila bilang magdyowa sila sa pelikulang ito.

Sabi raw ni direk Joel Lamangan, kailangan ayusin na nila ang kanilang halikan para hindi na mag-take two kaya kinarir na rin nila.

Nadala yata sila sa mainit na eksenang iyun kaya hindi na nila narinig ang “cut” ni direk Joel.

First male kiss daw iyun ni Shido, pero kay Ross ay ilang beses na niyang nagawa sa ilang indie films na nagawa niya at sa stage play.

May ilang reporters na nag-react dahil tila nama­malisyahan sila sa closeness ni Shido kay Lloyd Samartino.

Ilang beses daw silang nakikitang magkasama, kaya hiningan namin ng sagot si Shido kaugnay sa intriga sa kanila ni Lloyd.

Magkaibigan lang daw sila, at wala raw ma­lisya.

Aware daw silang may ilang nang-iintriga sa kanilang dalawa, pero dedma na lang sila.

Hindi raw ito isyu sa kanya, huwag na lang daw pansinin sabi ni Lloyd.

“Hindi namin siya pinag-usapan.

“Sinasabi ko po sa kanya. Just shrugged it off sabi niya sa akin,” pakli ni  Shido.

vuukle comment

LLOYD SAMARTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with