^

PSN Showbiz

Marian parang hindi lalaki ang nasa tiyan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian parang hindi lalaki ang nasa tiyan!
Marian

Ang ganda-ganda talaga ni Marian Rivera sa second pregnancy niya Salve.

Ayaw ko na tuloy maniwala sa kasabihan na pag lalaki ang magiging anak mo medyo hindi kagandahan ang isang buntis. Bakit si Marian ang ganda-ganda eh boy magiging second baby nila ni Dingdong Dantes?

Isa talagang blessing sa pamilya Dantes na nadagdagan na naman ang kanilang member at buo na ha tatay, nanay, baby girl at baby boy.

Lucky parents dahil mabuting mga magulang sila Dingdong at Marian. Talagang nakita ko ang hands on na pag-aalaga nila kay Zia at sure ako na ganun din ang gagawin nilang pag-aalaga sa baby boy nila.

Heaven really favors good people at siguro iyon ang dahilan why all wishes of Dong and Yan are granted, their dreams given, dahil they are good people and good parents. Congrats Dantes family.

Marko mas gustong alagaan ni God

Malungkot na malungkot ang gising ko kahapon. Nabalitaan ko na after almost a month na nakipaglaban si Marko de Guzman, 20 years old student ng UST na naaksidente nang mabag­sakan ng scaffolding ang sinasakyang Grab car ay namatay na.

Actually, kung sakali at nakaligtas siya sa aksidente, magiging vegetable na rin siya, hindi na ma­kakagalaw ng normal. Hindi na rin makakapagsalita ng maayos at minimal na rin ang magiging physical na pagkilos.

Iisipin mo kung sino ang matiyagang mag-aala­ga sa kanya kung sa­kali, dahil isang single Mom ang nanay niya at may­roon siyang isang mas batang kapatid.

Kung sakali gaano siya katagal maalagaan, gaano siya katagal pagtitiisan? Mas mabuti na nga siguro na kinuha na siya ni God dahil nakakaawang makita ang isang dati ay very healthy na 20 years old na isa nang vegetable, halos isang patay na buhay.

Siguro, habang buhay na ipagdarasal siya ng driver ng Grab na inaantok kaya naaksidente sila. Siguro kahit paano, tutulungan ng kumpanya ang ina ni Marco na mabayaran ang halos P3M na inabot na gastos sa ospital.

Siguro mas gusto ni God na siya ang mag-alaga kay Marko. At siguro tulad nila Tirso at Lynn Cruz, nagpapasalamat din ang ina ni Marko sa 20 years na ipinahiram ni God si Marko sa kanya.

No one can answer the WHY in our life except God, so leave it to Him, let God do His Ways, thy will all be done. Amen.

Andre lalaki ang tingin kay Mikee

Friends lang talaga sila ang sabi ni Andre Paras tungkol sa pilit na pagli-link sa kanila ni Mikee Quintos.

Sumusumpa si Andre na loveless siya ngayon dahil ang work ang kanyang prio­rity at talagang magkaibigan lamang sila ni Mikee.

“One of the boys” nga ang description ni Andre tungkol sa kind of friendship nila ni Mikee kaya imposible nga na magkaroon sila ng relasyon.

Bukod kay Mikee, wala nang ibang mga girl na nali-link kay Andre dahil hindi naman sineryoso ng fans ang mga tsismis tungkol sa kanila ng isang aktres.

Kobe nakalampas na sa depression

Natuwa ako sa balita na okey na okey na si Kobe Paras matapos magkaroon ng isyu na nakaranas siya ng depression.

Unlike Kobe, walang depression na pinagdaanan si Andre dahil likas daw na masayahin siya.

Ikinuwento ni Andre na kahit hindi na sila nakatira ni Kobe sa iisang bahay, may regular communication sila.

Mahal na mahal nina Andre at Kobe ang isa’t isa kahit nagkakaroon sila ng mga tampuhan na normal sa mga magkakapamilya.

Aktor nagsisisi sa napuntahang posisyon

Binura ng isang aktor ang kanyang emote sa social media tungkol sa pagsisisi niya dahil sa pagtanggap sa isang posisyon.

Walang ibinigay na explanation ang aktor pero marami ang nakakaintindi sa pinagdaraanan niya.

Sobrang thankless naman kasi ang trabaho ng aktor na buong puso na ginagampanan ang kanyang mga responsibilidad pero hindi appre­ciated ng mga tao na natutulungan niya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with