^

PSN Showbiz

Mike marunong nang makinig sa doktor!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mike marunong nang makinig sa doktor!
Mike

Bumalik na si Papa Mike Enriquez bilang anchor ng 24 Oras noong Lunes kaya tuwang-tuwa ang fans na tatlong buwan nang missed na missed ang pre­sence niya sa primetime news program ng GMA 7.

Matagal na hindi napanood sa telebisyon si Papa Mike dahil sa heart bypass procedure sa kanya noong September pero ngayon, good as new na siya.

Kasabay ng pagbabalik ni Papa Mike sa 24 Oras noong Lunes ang comeback niya sa kanyang morning radio program sa DZBB

Siyempre, masayang-masaya rin ang listeners ng DZBB nang marinig nila sa radyo ang boses ni Papa Mike at mapanood sa GMA News TV.

Nag-diet si Papa Mike kaya nabawasan din ang timbang niya kaya walang dapat ipag-alala ang mga nanibago sa itsura ni Mr. Imbestigador.

Hinay-hinay lang si Papa Mike sa pagtatrabaho kaya medyo limitado ang exposure niya sa 24 Oras noong Lunes at mas babad sa paghahatid ng mga ba­lita ang kanyang mga co-anchor na sina Vicky Morales at Ivan Mayrina.

Bumalik si Papa Mike sa mga programa niya sa TV at radyo nang bigyan siya ng go-signal ng kanyang cardiologist.

Ikinukunsulta ni Papa Mike sa kanyang mga doktor ang mga desisyon na may kinalaman sa trabaho dahil ito ang natutunan niya nang magkaroon siya ng sakit, ang makinig sa payo ng mga doktor.

Pinakinggan din ni Papa Mike ang sinasabi ng kanyang katawan. May ugali kasi ang mga tao na kahit pagod at puyat, work pa rin nang work. Nakakalimutan nila na kapag nakakaramdam sila ng antok, ito ang sign na pinagpapahinga sila ng kanilang mga katawan.

Moral of the story? Huwag labanan ang antok at umidlip kahit sandali kapag pumipikit na ang mga mata.

‘Huwag magalit sa Traffic, magsulat, mag-insta’

I appreciate talaga Mama Salve na iyon mga posting ko sa Instagram at column ko ay napapansin ng mga tao. Iyong natuwa sila na nalagay sa Insta or column natin.

At siyempre tuwang-tuwa ako na umabot na sa 69K ang followers ko sa IG. Hindi ko ma-imagine I can have that much followers samantalang ginawa ko lang outlet ng mga naiisip ko at instant emotional medium ang Instagram.

Madalas pag nasa traffic o kung medyo na-bore o bigla may nakita at narinig ako na mas gusto ko i-put on writing saka ako gumagawa ng post. Malaking diversion para sa akin ang Insta at tuwang-tuwa ako magbasa ng comments.

Kahit nga iyon mga komento na kung minsan out of bounds, kung minsan sarcastic, ok lang dahil sign na binasa nila iyong post ko. At iyon nga humbling experience para sa akin pag may nagsasabi na binabasa nila at follow nila ako sa Insta.

Hay naku, sabi ko nga, time is the most precious thing we have huwag natin sayangin, make good use of it. Ang oras hindi mo maibabalik, pag nagdaan na wala na. Kaya nga sa halip na mainip, mainis, magalit sa traffic, magbasa, makinig ng music o kaya tulad nang ginagawa ko, mag-Instagram.

You won’t feel the boredom or become anxious, kasi nga may ginagawa ka. Thank you my Insta friends at readers ko dito sa PSN, keep on reading. Love you all.

Holdap... nadagdagan ang sinehan

Nagpapasalamat si Paolo Contis dahil nadagdagan na ang bilang ng mga sinehan na pagtatanghalan ng comedy movie nila na inaalmahan ang pamagat, ang Ang Pangarap Kong Holdap.

May mga nag-react sa title pero ang sabi ng mga nakapanood, entertaining ang pelikula na hindi raw dapat husgahan hanggang hindi nakikita.

Sana nga, tangkilikin ng moviegoers ang bagong pelikula ni Paolo na pinupuri ng mga tao ang acting sa recent movie niya, ang Through Night and Day.

Kung wagas ang pagdadrama ni Paolo sa pelikula nila ni Alessandra de Rossi, nagpatawa naman siya sa Ang Pangarap Kong Holdap na hindi mahirap gawin dahil forte rin niya ang comedy.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with