^

PSN Showbiz

Mader Sitang, Idineklarang undesirable alien!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mader Sitang, Idineklarang undesirable alien!
Sitang

Ayan na! Vindicated si Wilbert Tolentino, ang dating producer at manager dito ng Thailand’s internet sensation na si Mader Sitang.

Inilabas niya sa kanyang Facebook account ang order mula sa Bureau of Immigration na isa na nga raw ‘undesirable alien’ dito sa bansa si Mader Sitang.

Nakapirma ang Immigration Commissioner na si Jaime H. Morente, pati ang iba pang Immigration Officers.

Sabi ni Wilbert na ipinost sa kanyang Facebook account; “We are thankful at nakita ng Bureau of Immigration na credible ang aking reklamo.

“We value this official pronouncement of the Bureau of Immigration for it stands for the legitimacy of our grievances .

“I am thanking my legal advisers for their tremendous support, and the Philippine Embassy of Thailand who assisted us well.

“We see this as justice rightly served.”

Muling nilinaw ni Wilbert na peke nga itong pagpapakilala ni Mader Sitang, kaya ewan ko kung paano ikokorek ng ilang TV show na nag-feature kay Mader Sitang dahil maganda ang image na ipinakita nila na hindi naman pala totoo.

Kaya ewan ko kung babaguhin nila ang kuwento at itatama kung sino talaga itong si Mader Sitang.

Pero sa totoo lang, ang lakas pa rin niya hanggang ngayon, at interesado pa rin ang ilang netizens sa kanya.

Dingdong maraming nakahandang pangalan sa baby

Ang daming netizens ang tuwang-tuwa sa announcement ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na magkakaroon sila ng baby boy.

Kaya sabi ng ilan, gagamitin kaya ni Dingdong ang pangalan niya sa Cain at Abel na si Daniel sa pangalan ng kanilang magiging baby boy.

Nung nakaraang presscon ng Cain at Abel, kinulit namin kay Dingdong kung ano ang ipapangalan. Ang say niya, marami raw names na gagamitin. Magiging junior nga niya kaya ang baby boy nila ni Marian?

Marami rin ang nakapansin na talagang nagbibigayan sina Dingdong at Dennis Trillo sa mga eksena nila.

Ang napapansin ng iba, karamihan sa mga eksena ay moments ni Dennis, at binibigay ito ni Dingdong.

Abangan naman daw ang kay Dingdong habang tumatakbo ang kuwento.

Magkakasagupaan na ang dalawa, at kaabang-abang maaksyon at madramang pagtatagpo nina Daniel at Elias na ginagampanan naman ni Dennis.

Produkto ng Starstruck, ipapasok sa PBB

Ilan sa mga taga-Starstruck ng GMA 7 ang sandaling nakatsikahan ko at may nakarating daw sa kanila na merong galing sa Starstruck na ipapasok sa PBB.

Hindi lang kami sure kung ang runner-up ni Migo Adecer ng Starstruck 6 na si Elyson de Dios ang tinutukoy, dahil wala pang nagkukumpirma.

Kaya abangan na lang daw kung ang taga-Cebu na si Elyson nga ba ang tinutukoy nilang papasok.

Wala na rin namang problema sa GMA 7 dahil hindi na ni-renew ang kontrata niya.

Kung matutuloy nga siya sa PBB, tingnan natin kung may magagawa ang Kapamilya network sa kanya.

vuukle comment

MADER SITANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with