^

PSN Showbiz

Jose Mari walang kupas ang kabaitan, mga kanta pang-comfort sa Pasko

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jose Mari walang kupas ang kabaitan, mga kanta pang-comfort sa Pasko
JMC

Pag Christmas una mo maririnig ang mga kanta ni Jose Mari Chan Mama Salve.

Para bang unang sign na malapit na ang Pasko pag pinatugtog na sa radyo iyon plaka ni Jose Mari Chan.

Una kong na meet si Jose Mari sa Brooklyn, New York nang mag-shooting kami dun nila Mother Lily ng pelikula ni Vilma Santos, Christopher de Leon, Bembol Rocco at Victor Laurel ng pelikula ni Elwood Perez. Dumaan siya sa shooting dahil nagbabakasyon sila ng pamilya niya sa New York.

Then sa wake ni Lino Brocka kung saan buong lungkot niyang kausap ang nanay ni Lino.

Isang bagay na napansin ko, si Jose Mari Chan ay very compassionate, parang ang bait-bait niyang tao. Mababa ang boses, parang ang tender ng touch habang hinihimas ang likod ng kausap niya. Siguro siya na talaga ang sign of comfort ng Pasko. Very warmth ang boses niya, soothing to the ears, calming to the heart.

Christmas is not christmas kung wala ang mga awitin ni Jose Mari Chan. Siya ang sign ng Pasko. Love on Christmas day.

At pinaka-masaya na yata sa lahat ng presscon na napuntahan ko iyon kay Jose Mari Chan kahapon ng tanghali. Ang saya may question and answer portion, may kantahan at tawanan.

Kahit isang icon si Jose Mari sa music, undeniable  one of our best singer, isa sa mga singer na legendary ang naging longevity sa larangan ng music, hindi kumukupas ang kanyang kabaitan hanggang ngayon.

Imagine lahat halos ng kasabayan niya nahihirapan nang mag-solo concert pero hayan at nakakapag-solo concert pa siya na magaganap sa December 22, sa The Theatre at Solaire.

At sabi nga ng concert producer na si Anna Puno bukod sa pagiging hitmaker, mabili pa rin siya sa concert dahil napupuno pa rin niya ang venue ng concert niya.

Ang saya ng presscon dahil puno siya ng energy, kita mo ang sincerity niya sa pakikipag-usap at repartee sa mga reporter.

Pero mas sumaya dahil kay Jun Lalin at parang comedy act ang ginagawa nilang palitan ng dialogues at in between meron pang musical number hah hah.

Ang saya-saya at may pa-raffle pa. Hahaha.

At game din si Rita Daniela  ha na kasali rin sa okrayan. Guest si Daniela sa Going Home For Christmas concert  at dalawang beses silang nag-duet ni Jose Mari.

Panoorin n’yo ang Christmas concert ng nag-iisang si Jose Mari Chan sa December 22 sa Solaire dahil masayang Christmas bonding ito.

Dalhin ang buong pamilya para mas masaya.  Timeless talaga awitin at boses ni Jose Mari Chan.

Buhos ang pakikiramay…

Mahusay makisama ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti Cruz kaya dagsa ang mga nakikiramay sa kanila dahil sa pagpanaw ng panganay nila na si TJ.

Hiniling ni TJ sa kanyang mga magulang at kapatid na ilihim ang pagkakaroon niya ng sakit as in wala talagang nakakaalam sa mabigat na pagsubok na pinagdaanan ng pamilya nila.

Buong-puso na pinagbigyan nina Tirso at Lynn ang kahilingan ng kanilang anak. Ito ang dahilan kaya kahit ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak nila, walang alam na may lympathic cancer si TJ. Lumabas na lang ang katotohanan nang bawian ng buhay si TJ noong Miyerkules.

Aiai at Gerald ‘di muna tuloy sa Japan

Hindi matutuloy sa December ang plano na Japan trip ni AiAi delas Alas at ng kanyang mister na si Gerald Sibayan dahil may conflict sa schedule nito.

Balak sana ng mag-asawa na mag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary sa Japan sa December 12 pero hindi puwedeng mag-absent sa school si Gerald na seryoso sa pangarap niya na maging piloto.

At bilang supportive housewife si AiAi, siya na lang ang nag-adjust sa schedule ni Gerald. Napagkasunduan nila na ipagpaliban sa March 2019 ang kanilang pagpunta sa abroad.

vuukle comment

JOSE MARI CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with