^

PSN Showbiz

Sam malaki ang pasasalamat kahit kinaiinisan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sam malaki ang pasasalamat kahit kinaiinisan
Sam Milby

Masayang-masaya si Sam Milby dahil naging bahagi siya ng teleser­yeng Halik na pinagbibidahan nila nina Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang serye dahil sa mapangahas na tema nito.    

Ginagampanan ni Sam ang karakter ni Ace bilang kontrabida sa buhay ni Lino (Jericho) kaya kinaiinisan ng mga manonood ang aktor ngayon.

Wala umanong problema kay Sam kung nalilinya man siya sa paggawa ng kontrabida roles. “I mean if the next role happens to be kontrabida type din, if it’s a great role, I’ll also do it again. I’ve only done two roles na ganito, Huwag Ka Lang Mawawala with Juday (Judy Ann Santos) and actually Maging Sino Ka Man.

It was a bit stronger role, but not this kontrabida type,” nakangiting pahayag ni Sam. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa pagtitiwalang muli sa kanya para sa nasabing serye. “Even RSB (Ruel S. Bayani), when he offered me the role, siya rin nagsabi na, ‘Sam, I think sa mga project na ginawa mo dati, I think ‘yung mga strong na medyo mga bad boy roles are the ones that you shine more.’ And yeah, if this is the type of role that I do better, then I’m on my strength,” pagbabahagi ni Sam.

Angelica naging masunurin sa dyowang pulitiko!

Hinahanap-hanap na ni Angelica Jones ang pag-arte sa harap ng kamera. Ilang taon ding nagpahinga sa show business ang aktres mula nang pasukin ang pulitika. “Sobrang nami-miss ko ang showbiz. Willing po akong tumanggap ng trabaho basta weekend lang po kasi may iba pa rin akong ginagawa. Nami-miss ko ‘yung paghalakhak at saka sa showbiz kahit madaming intriga pero masaya,” nakangiting pahayag ni Angelica.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling gumawa ng aktres ng proyekto na comedy ang tema.

“Sa totoo lang, gusto ko pa rin gumawa ng comedy. Kasi first love ko talaga ang comedy. Sa tingin ko, binoto ako ng mga tao sa Laguna dahil sa pagiging komedyante ko. Do’n sila natuwa sa akin kasi napakadiretso kong magsalita sa kanila,” pagtatapat ng dalaga.

Ayon pa kay Angelica ay malaking-malaki na ang ipinagbago ng kanyang karakter mula nang maging isang ganap na pulitiko. “’Yung dati pong Angelica sobrang kikay, aanga-anga. So no’ng naging board member ako in six years, ang dami ko pong natutunan. Ang laki po nang in-improve ko. Tinatawag akong ‘Honorable Angelica Jones’. So ‘pag honorable, kailangang honorable ‘yung pakikipag-usap mo, honorable ‘yung pananamit mo, honorable ‘yung kilos. Ang hirap nga sa umpisa kasi galing sa pagiging komedyante. Tapos nag-aral po ako sa U.P. kung ano ba ang ginagawa ng isang board member, so naiba,” natatawang kwento ni Angelica.

Bongga rin ang love life ngayon ni Angelica dahil one year and five months na sila ng kasintahang si Jojo Matias na isa ring board member ng Nueva Ecija.

“Nagdasal ako na sana bigyan ako ni Lord ng right man, tapos yon nga, dumating siya sa akin. Christian po siya, he’s very conservative and istrikto po siya.

“Actually, sa kanya lang ako tumino, eh. Nu’ng panahon ng mga naging exes ko like si Bobby Yan at yung iba pang boyfriends ko sa showbiz, pasaway ako noon.

“Kay Jojo ako naging masunuring girlfriend. Pag sinabi niyang hindi ka puwedeng lumabas, hindi talaga ako lalabas,” natatawa pa niyang pagbabahagi sa PUSH.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with