Due to insistent public demand, Hintayan Ng Langit ipalalabas sa mga sinehan
Due to insistent public demand, mapapanood na sa mga sinehan ang QCinema entry na Hintayan ng Langit starring Eddie Garcia and Gina Pareno.
Ang ganda kasi talaga ng feedback ng story ng movie na nagbigay ng best actor award kay Eddie at Audience Choice Award sa movie.
Overstayed na si Lisang sa kanyang waiting room sa purgatory na minsan ay nagiging dahilan ng gulo ng ibang kaluluwa para sa kanyang sariling entertainment.
Hanggang isang araw nagtapos na ang kanyang paghihintay. May bagong tenant na, si Manolo, na nadiskubre na ang bagong namatay pala ay ex boyfriend niya.
Pero ang pagkikita nila sa kabilang buhay ang magbibigay sa kanila ng second chance para mas makilala pa nila ang isa’t isa at ma-realize kung paanong ‘mabuhay’ ulit.
Binalikan at pinag-aralan nina Lisang and Manolo ang mga ginawa nila nun sa buhay at tinanong what if...
Ang Hintayan ng Langit ay written by spoken word artist Juan Miguel Severo based from his one-act stage play for The Virgin Lab Fest.
Co-production ito ng Globe Studios and Project 8 Corner San Joaquin Projects, ang film production company owned by top filmmakers Direk Dan and Antoinette Jadaone.
Ang nasabing pelikula rin ang latest project ng Globe Studios para maka-contribute ng top-quality films sa movie industry at sa mga mahihilig manood.
“When I first read the Hintayan Ng Langit script for QCinema, I couldn’t put it down, and when I finished it, I couldn’t hold back my tears,” sabi ni Globe Studios Head, Quark Henares. “When I handed it to our producers, they felt the same way. This is a film Globe Studios HAD to do, and I’m so proud and happy we’re giving everyone a chance to see it nationwide. It’s different. It’s touching. It stays with you. Hope you can all catch it in theaters!”
Ang bobongga ng reviews ng Hintayan Ng Langit. Kaya sa mga hindi nakahabol sa QCinema, magkakaroon ito ng theatrical run starting November 21.
- Latest