^

PSN Showbiz

Liza gagawa muna ng ibang pelikula, Darna tigil na naman

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza gagawa muna ng ibang pelikula, Darna tigil na naman
Liza

Isang bagong pelikula ang gagawin ngayon nina Liza Soberano at Enrique Gil kaya tigil muna ang shooting ng Darna na pagbibidahan ng aktres. “We actually have a new date for the movie. I think we’re going to be doing that (LizQuen movie) first since Darna has to be focused on by the new director. He’s taking over now. So there are going to be some changes,” pagtatapat ni Liza.

Nagbitiw na si Erik Matti at si Jerold Tarog na ang nakatakdang gumawa ng Darna ngayon. “I’m waiting to meet up with him, I think sometime this month. So we get a feel of how we are, like how he is and how I am. I am really excited,” nakangiting pahayag ng aktres.

Nagpapasalamat si Liza dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si direk Erik kahit na sandaling panahon lamang. “I was very thankful because I don’t think a lot of people would do that. He personally messaged me, just so that he could say goodbye properly to me. I really appreciate that he did that. I’m just thankful to have gotten the chance to work with him and I still want to be able to finish a project with him. Hopefully, in the future, if our schedules permit, and there’s a really good script that he’s going to be directing. I wouldn’t mind doing another film with him,” pagtatapos ni Liza.

JM hinihiritan na ng apo ng nanay

Nakaplanong magtambal muli sa isang pelikula sina JM de Guzman at Angelica Panganiban.

Matatandaang pumatok sa takilya tatlong taon na ang nakalilipas ang That Thing Called Tadhana na pinagbidahan ng dalawa. “Actually, matagal na pong pinitch sa amin ‘yung gagawin naming movie under Star Cinema, pero nagkaroon lang ng mga arrangement or internal na mga inaayos,” pagbabahagi ni JM.

Ayon sa aktor ay talagang humanga siya kay Angelica noong mga panahong ginagawa nila ang unang pelikula. May pinagdadaanan daw noon ang aktres sa buhay pag-ibig pero naka­yang dalhin nito ang sarili. “Hindi ko napansin na may nangyari sa kanyang something. Isa sa trait niya ‘yon na nakakahanga, kung paano siya magdala. Parang wala lang, pero alam mong meron,” kwento ni JM.

Samantala, gusto na raw ng ina ni JM na magkaroon ng mga apo mula sa kanya. “Si mommy kasi gusto niya na nga na gawan ko na ng baby kahit sinong babae. Gusto na niya talagang magkaapo. ‘Pag kasama ko si Barbie (Imperial) sinasabi ni mommy na, ‘Uy! JM kailan kayo gagawa ng baby?’ Nang-aasar lang, bigla na lang din siyang magte-text, ‘May girlfriend ka na ba?’ Sabi ko, ‘Wala pa.’ ‘Gawan mo na ako ng apo.’ ‘Ma, hindi ko pa nga maalagaan ang sarili ko, pag-aalagain mo pa ako ng junior ko, saglit lang,’” natatawang kwento ni JM.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with