^

PSN Showbiz

Guns N Roses dinumog!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Guns N Roses dinumog!
Guns N Roses

SEEN: Nag-trending kahapon ang first live appearance ni Regine Velasquez sa It’s Showtime. Apektado na naman ang ha­ters at bashers ni Regine sa sinabi nito na habambuhay siya na Kapamilya.

SCENE: Pinaiyak ni Vice Ganda ang isang gay contestant ng Miss Q&A. Ipinangako ni Vice na sasagutin nito ang pagpapagawa ng pustiso ng contestant na bibigyan niya ng Vice Ganda cosmetics na nagkakahalaga ng P10,000 bilang source of income.

SEEN: Sa susunod na taon pa ang airing ng Dalawang Mukha ni Guadalupe dahil ito ang ba­lak ng GMA-7 na ipalit sa Onanay na mapapanood hanggang January 2019. Bida sa Dalawang Mukha ni Guadalupe ang real-life lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

SCENE: Iron Heart, Magica Blanca, Nang Ngumiti ang Langit at Take Life ang ilan sa mga pamagat ng mga bagong television series ng ABS-CBN na mapapanood sa susunod na taon.

SEEN: Spotted sa star-studded Not In Your Lifetime concert ng Guns N Roses sa Philippine Arena noong Linggo sina Angel Locsin, Robin Padilla, Marielle Rodriguez, Gladys Reyes, Christopher Roxas, Patricia Javier, Bubbles Paraiso, ang direktor na si Richard Somes at si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

SCENE: Sa mga hit song ng Guns N Roses, most applauded ng Pinoy fans ang Sweet Child O’ Mine. Lumikha ng matinding traffic sa paligid ng Philippine Arena ang jampacked concert ng Guns N Roses.

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni Amy Perez at ng kanyang mister na si Carlo Castillo ang kanilang anniversary. Labindalawang taon na magkarelasyon at apat na taon nang kasal ang mag-asawa na pinasasalamatan ang Panginoon sa kanilang matatag na pagsasama.

SEEN: Ang box office success sa Pilipinas ng Bohemian Rhapsody ang dahilan kaya sikat uli sa mga Pilipinas ang mga kanta ni Freddie Mercury at ng kanyang banda, ang Queen. Mga kanta ng Queen ang madalas na awitin sa mga musical variety show ng GMA 7 at ABS-CBN.

vuukle comment

GUNS N ROSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with