^

PSN Showbiz

JM nahanap na uli ang confidence!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM nahanap na uli ang confidence!
JM

Tatlong taon na ang nakalilipas nang huling magbida si JM de Guzman sa pelikula. Matatandaang tumabo nang husto sa takilya ang That Thing Called Tadhana na pinagbidahan ng aktor at Angelica Panganiban.

Masayang-masaya si JM ngayon dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon na mapanood sa big screen. Katambal ng aktor si Rhian Ramos sa Kung Paano Siya Nawala na mapapanood na sa mga sinehan simula sa November 14. “I just feel grateful. I feel blessed na mabigyan ako ng ganitong role and opportunity again to be part of this good story and excited lang ako and at the same time kinakabahan,” bungad ni JM.

Aminado ang aktor na nagkaroon siya ng insecurities sa sarili dahil matagal-tagal din siyang namahinga sa show business. “Actually before may nagsabi sa akin na maraming bago, maraming mas bata, mara­ ming mas magaling sa iyo, mas maraming disiplinado. Hindi ko pa ‘yon matanggap dati, medyo arogante pa ako no’n, ‘Hindi, mas magaling pa ako sa kanila. Mas mabait ako sa kanila, mas professional ako sa kanila.’ Pero it’s something that I have to accept. Hindi na rin ako bumabata. Pa-improve na nang pa-improve ‘yung industriya natin and ang dami ko nang nakikita na magaling. So I just have to enjoy everything and appreciate everything and do my best,” pagbabahagi ng aktor.

“Masaya ako ngayon sa nahanap kong confidence sa sarili ko. It’s raw, hindi siya nanggagaling sa substance. I need something to hype me up or m     a-boost ‘yung confidence ko. Now it’s raw and ngayon ko lang na-experience ‘yung ganitong feeling na kakabahan ka sa simula, tapos sa huli natutuwa ka na, tapos parang sa huli ang sarap na,” makahulugang pahayag ni JM.

Enzo kakaririn na ang pagiging bad boy

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng bad boy look ni Enzo Pineda ngayon. Paghahanda raw ito ng aktor para sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit na isa siya sa mga pangunahing bida. “Kasama po namin dito si RK Bagatsing, Cristine Reyes and marami pa pong magagaling na artista,” nakangiting bungad ni Enzo.

Inaasahang sa susunod na taon na mapapanood sa Kapamilya network ang bagong serye. Ayon kay Enzo ay tiyak na kaiinisan siya ng mga manonood sa kanyang bagong karakter. “Let’s just say na parang bad boy leading man type of vibe ‘yung makikita sa akin, since I changed my look na din. Kasi di ba few months ago, I have longer hair, cleaner look. So para maiba naman, I want to offer something different sa mga manonood,” paliwanag ng aktor.

Bukod sa nasabing teleserye ay isang bagong pelikula rin ang pinaghahandaan ni Enzo na pagbibidahan naman nila ni Winwyn Marquez.

 

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with