^

PSN Showbiz

Dalawang actress iritable sa pagpapanggap ng actress na ex din ng kanilang ex!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Magkakampi ang dalawang aktres na nakarelasyon ng isang kilalang male personality. Kung nu’ng una ay naggigirian pa ang dalawang aktres, ngayon ay magkakampi na sila, may isang aktres silang kinaiinisan na ex din ng kilalang male personality.

Tatawagin natin silang Actress A, B at C. Si Actress A ang pinakasalan ng aktor, si Actress B naman ay inanakan lang ng aktor, samantalang si Actress C na may putong na korona sa ulo ay naging girlfriend lang nang mahaba-haba ring panahon ng aktor.

Kuwento ng isang source, “Kaya nagkakampihan sina Actress A at Actress B, e, dahil napaplastikan sila kay Actress C. Denay kasi nang denay ang babaeng ‘yun na nagkaroon sila ng relasyon ng guy.

“Hiyang-hiya ang dalawang aktres sa kalinisan ng image ni Actress C, pero totoo namang naging sila ng male personality, halos sa safe house na nga ng guy siya natutulog nu’n.

“Kung sana, e, hindi siya nahuhuling kasama ang male personality sa mga lugar na nagmimilagro sila, kundi sana nakikita ng dalawang aktres kung paano sila nagkikita sa mga tagong lugar.

“’Yun ang reason kung bakit sila naiinis sa female personality na may asawa nang aktor ngayon, denial qaueen ang tawag sa kanya ng dalawa, buking na kasi siya pero humihirit pa!” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Nu’ng minsan ngang magkasamang dumating sa party ang dalawang aktres ay nakita nila ang may koronang aktres na kasama ang asawa nitong guwapong aktor. Nakipagbeso sila sa guy pero hindi sa kanyang misis.

“Medyo nagtaka nga ‘yung male personality kung bakit nila inisnab ang girl, nagtataka ang lalaki kung bakit, hindi naman sumagot ang dalawang hitad! Tumalikod na lang ang dalawa.

“Siguradong hindi alam ng male personality ang kuwento tungkol sa asawa niya at sa aktor na kaibigan pa naman niya. Kasi nga, palaging feeling virgin sa kahinhinan ang wife niya.

“Parang walang milagrong ginagawa, pero saan ka, mahilig din naman siya sa fling-fling! Sabi nga ng magkakamping ex ng male personality, super-plastic daw ang babaeng may putong na korona sa ulo!” tawa pa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Vice bidang-bida ang pangalan ‘pag nakaka-shoot si Calvin

Isa sa mga kinabubuwisitang PBA players si Calvin Abueva. Buskador kasi ang player, pumapatol sa pangangantiyaw ng mga miron ng ibang teams, at ang pinakaimportante ay magaling maglaro si Abueva kaya kinaiinisan ito.

Nasa Phoenix na ngayon si Abueva, bigla na lang itong nawala sa Alaska team at nang muling bumalik ay nasa ibang koponan na, ganu’n pa rin ang reaksiyon ng mga basketball fans sa kanya.

Kapag nagdi-dribble at nagsu-shoot ang may kadugyutang player ayon sa mas nakararami ay sumisigaw ang mga fans, “Vice Ganda! Vice Ganda! Vice Ganda!”

Nalipat na sa kanya ang sigaw nu’n na para kay Terrence Romeo, ang sikat na PBA player na unang naugnay ang pangalan kay Vice Ganda, minana na ni Abueva ang trono.

Aminado si Vice Ganda na si Calvin Abueva ang nagsisilbing kape niya sa umaga ngayon. Pinasasaya siya ng basketball player at proud na proud si Vice dahil hindi siya ikinahihiya ng bruskong manlalaro.

Lumalabas sila, may mga pictures nila ni Abueva na lumalabas sa social media na halos magkapalitan na sila ng mukha sa pagiging close, pakiramdam ng TV host ay mahal na rin siya ng basketball player.

May mga kumokontra sa kanilang relasyon, dapat daw mauntog na sa pader habang maaga pa si Vice Ganda, dahil ginagamit lang naman siya ng basketbolista. Matindi raw ang pangangailangan ngayon ni Abueva dahil may problema itong pinagdadaanan sa kanyang pamilya.

Sana’y pabayaan na lang ng mga nangdadaot sa kanilang relasyon si Vice. Kung talagang mahal niya si Abueva ay ibigay na natin ‘yun sa kanya. Mag­hapon at magdamag na nagpapakamatay sa pagtatrabaho si Vice, kailangan niya namang lumigaya, at kung natagpuan niya ang happiness na ‘yun kay Calvin Abueva ay ibigay na natin ang basbas sa kanya.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with