^

PSN Showbiz

Aktor na sumikat uli nang bumalik, grabeng mag presyo ng TF

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Manager kinalaban din

Nawiwindang ang mga nakakatransaksiyon ng isang pamosong guwapong aktor sa taas niyang maningil ng talent fee. Meron naman siyang karapatang magpataas ng presyo dahil meron siyang talento at kilalang-kilala na siya pero hindi naman ganu’n katindi sa ikino-quote niya kapag may kumukuha sa kanyang serbisyo.

?Muling naging visible ang guwapong aktor nang bumida siya sa isang serye katambal ang isang magandang aktres. Maraming kinilig sa kanilang tambalan kahit pa hindi na siya maituturing na bagets.

?Kuwento ng aming source, “Mula nu’n, na­ging in-demand na siya sa mga shows dahil kumakanta rin siya. May mga offers sa kanya para gumawa ng mga commercials.

?“Pero ilan lang ang natutuloy, kasi nga, napakataas ng hinihingi niyang talent fee. Parang good for ten years na ang TF na hinihingi niya. Sobrang taas talaga.

?“So, hindi na lang siya binabalikan ng mga komukontak sa kanya. Kung sa kanya pa nga lang naman, e, ganu’n na kalaki ang ilalabas ng ahensiya, paano pa ang ibang gastusin sa paggawa ng TVC?

?“Ewan kung sino ang nagpapayo sa kanya na itaas nang todo ang talent fee niya, para kasing hindi na ‘yun kapani-paniwala,” unang kuwento ng aming impormante.

?Balitang umalis na sa pangangalaga ng kanyang manager ang guwapong aktor. Napakatagal nilang magkasama bilang manager-talent pero siya na lang pala ang nagpapatakbo ng kanyang career ngayon.

?Patuloy ng aming source, “Sayang na samahan, dekada rin ang pinagsamahan nila ng dati niyang manager. Pero siya na lang pala ang humahawak ng career niya katulong ang wife niya.

?“Mahirap ang ganu’n, mahirap magpresyo kapag sarili ang itinitinda. Mahalaga ang role ng manager sa pakikipagtransaksiyon. Makipagtawaran ba sa presyo?

?“Ang akala siguro ng guwapong aktor na ‘yun, e, panghabambuhay na siyang magiging in-demand. Pana-panahon lang ‘yan, nakatiyempo lang siya, pero walang guarantee ‘yun.

?“’Yan ang mahirap kapag lumalaki na ang name ng talent, marami nang ini­rereklamo sa manager niya. ‘Yan ang mahirap kapag nakababalik uli sa eksena ang namahingang artista, nagpepresyo na nang pagkalaki-laki na parang hindi na siya matatanggihan dahil in-demand nga siya.

?“’Yan ang mahirap!” nakairap pang komento ng aming source sa kanyang pagtatapos.

?Ubos!

Di dapat paapekto bashing kay Regine sign na sikat pa siya!

Kung mga ilang buwan pa ay palagi pa ring makakatikim nang maaanghang na opinyon at komento si Regine Velasquez mula sa ating mga kababayan lalo na sa kanyang mga bashers.

?Ganu’n naman palagi ang kaganapan kapag may personalidad na lumilipat ng network, ikinakambal sa kanya ang imahe ng kawalan ng utang na loob, parang krimen na ang kanyang ginawa.

?Sinasabihan ngayon ang Asia’s Songbird ng mataba, mukhang matrona, sintunado at kung anu-ano pang paglalarawang nanunugat sa kanyang damdamin.

?Personal naming napanood ang kanyang guesting sa ASAP-Sydney. ‘Yun ang una niyang paglabas sa nilipatan niyang istasyon. Maayos niyang naitawid ang pinasikat niyang piyesang “Dadalhin.” Walang piyok, makinis, very Regine Velasquez ang atake.

?Kung sintunado si Regine ay paano pa ang ibang singers d’yan na talagang paminsan-minsan ay sumasablay sa pag-hit sa tamang nota?

?Wala pa ring kupas ang kanyang pagkabiritera, mahihirapan si Jed Madela na makipag-one-on-one sa kanya, bitbit pa rin ng Asia’s Songbird ang atakeng minahal sa kanya ng ating mga kababayan.

?Sa pagpansin naman na mukhang matanda na ang singer-actress ay kauna-unawa ‘yun dahil pasulong ang takbo ng kanyang edad at hindi naman paurong. Hindi na siya bumabata pero hindi pa rin siya karapat-dapat tawaging mukhang matrona.

?Kailangan na lang tanggapin ni Regine Velasquez ang mga ganu’ng pagpuna, huwag na lang siyang magpaapekto, dahil magmumukha talaga siyang matanda kapag nagpaka-stress siya.

?Ang mahalaga ay pinag-uusapan ang kanyang paglipat. Ibig sabihi’y importanteng personalidad pa rin siya hanggang ngayon.

?Pinapansin ba at binibigyan ng panahon ang mga perso­nalidad na tinatawag na La Ocean Deep na?

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with