^

PSN Showbiz

Rocco hands-on sa dream house

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rocco hands-on  sa dream house
Rocco & Melissa

Late nang nag-celebrate ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan ang Kapuso actor na si Rocco Nacino at ang volleyball player girlfriend nitong si Melissa Gohing.  Ang kanilang first anniversary ay last September 18 pa pero nagkaroon sila ng post celebration over dinner sa isang Quezon City restaurant kamakailan lamang.

Si Melissa ang pumalit sa puso ni Rocco after his break-up with ex-girlfriend  Lovi Poe.

Si Rocco ay busy ngayon sa kanyang bagong TV series sa GMA, ang bagong simulang Pamilya Roces habang si Melissa naman ay naglalaro sa Creamline Cool Smashers team ng Premier Volleyball League (PVL).

Very hands-on din ang aktor sa kanyang ipinatatayong dream house in Antipolo, isang three-storey with six bedrooms house sa loteng kanyang nabili three years ago.

Talagang pinag-ipunan nang husto ni Rocco ang kanyang ipinatatayong bahay.

Angel at Neil lay low sa ka-sweetan sa social media

Nang dumating si Angel Locsin na hindi kasama ang kanyang nobyong si Neil Arce sa kauna-unahang ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La (Makati) Hotel last September 29, nagsimulang maglabasan ang mga ispekulasyon na break na umano ang dalawa lalo pa’t hindi nagpu-post ang dalawa sa kanilang respective social media accounts ng litrato na sila’y magkasama. Pero may nagsabi na magkasama umano sina Angel at Neil sa isang room ng Shangri-La kung saan inayusan ang Kapamilya actress. Hindi nga lamang sumama si Neil sa ball dahil umano’y walang invitation.

Ang common friends nina Angel at Neil ang nagpapatotoo na hindi hiwalay ang dalawa as what others claim.

Angel is currently busy sa taping ng kanyang upcoming TV series na The General’s Daughter at busy rin si Neil sa business nito.

vuukle comment

MELISSA GOHING

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with