^

PSN Showbiz

LJ at Paolo hindi pa rin puwedeng magpakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
LJ at Paolo hindi pa rin  puwedeng magpakasal
LJ

Sa January 2019 ay nakatakdang isilang ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang magi­ging first baby nila ng boyfriend niyang actor na isa ring Kapuso na si Paolo Contis na karelasyon niya sa loob ng mahigit tatlong taon.

Si LJ ay may 7-year-old son sa kanyang ex-boyfriend, ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino na si Ethan Akio o Aki. Si Paolo naman ay may dalawang anak na babae sa kanyang ex-wife na si Lian Paz na sina Xalene at Xonia na kasama ng ka­nilang ina sa Cebu with her new partner, ang cager-businessman na si John Cabahug.  Ang couple ay meron na ring isang anak na babae rin, si Nina Angela.

As far as we know, hindi pa annulled ang ka­sal nina Paolo at Lian kaya hindi pa sila puwedeng magpakasal sa ka­nilang respective present partners.

Albert hindI nababakante

Mag-a-apat na taon nang biyudo ang 57-year-old actor na si Albert Martinez magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang asawang si Liezl Sumilang-Martinez of breast cancer nung March 14, 2015, pero hanggang ngayon ay wala pa sa plano nito na magkaroon ng bagong karelasyon and eventually remarry.

Mas focused ngayon si Albert sa kanyang acting career at sa kanyang mga anak (except for Alyanna na may asawa’t anak na at nasa Amerika) na sina Alfonso at Alissa.

Isa na ring grand dad si Albert, ang almost 9 months old na si Adalynn Riley, anak ng kanyang panganay na si Alyanna at mister nitong si Roy Macam na kamakailan lamang niya nakita nang siya’y dumalaw sa Amerika.

Samantala, masu­wer­te si Albert dahil hindi ito nawa­wa­lan na proyekto sa Kapa­milya Network.

 This year ay tatlo ang kanyang TV series. Nauna na rito ang Bagani na nagtapos sa ere noong August. At ngayon naman ay kasisimula lang last October 8 ng kanyang panghapong serye, ang Kadenang Gin­to at kasama rin siya sa The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin at kung saan din tampok sina Paulo Avelino, JC de Vera at Tirso Cruz III.

Vice inaabangan na kung matatalbugan Ang The Hows…

Although malayo pa ang December 25 na siyang simula ng 2018 Metro Manila Film Festival, ngayon pa lamang ay marami na ang nagbibigay ng kanya-kanyang prediction kung aling mga pelikula ang inaasahang maglalaban-laban sa takilya.

Tiyak na maglalaban sa Nos. 1 & 2 slots ang mag­kahiwalay na pelikula nina Vice Ganda din ang mangyayari sa darating na MMFF. Pero kailangang malagpasan ng movie ni Vice ang The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na dinirek ni Cathy Garcia-Molina na siyang may hawak ngayon ng highest grossing film of all time dahil ito’y kumita ng halos P800-M na tumalo sa 2017 MMFF movie ni Vice Ganda na Gandarrapido: The Revenger Squad na kumita naman ng P571-M sa takilya, making it the highest grossing film sa kasaysayang ng Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with