^

PSN Showbiz

Aktres na sobrang linis sa katawan, parang may pabrika ng alcohol

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ang mga artistang sobrang banidoso sa katawan. Konting bagay lang ay napakalaking problema na para sa kanila.

Kung anu-ano ring pampaganda ang makikita sa kanilang mga sasakyan, palagi silang may baun-baon na alcohol, para kuno sa kanilang proteksiyon.

Sinentruhan ng buong tropa ang isang sikat na female personality na parang may sariling pabrika ng alcohol. Malilimutan niya ang lahat, pero hindi ang sangkatutak na alcohol, lalo na kapag malayo ang kanilang biyahe papunta sa location shooting.

Kuwento ng aming source, “Naku, kakaiba ang babaeng ‘yun! Hindi siya aalis ng bahay nang wala ang maraming botelya niya ng alcohol! Malaking krimen kapag nakalimutang dalhin ‘yun ng alalay niya!

“At hindi lang isang brand ang g­i­­n­a­ gamit niya, iba-iba, may local at may imported pa. ‘Yun lang naman ang bisyo niya, in fairness, ang magpahid ng alcohol sa mga palad niya kahit saan siya magpunta.

“Lalo na kapag ang shooting niya, e, sa mga lugar na may karumihan, katabing-katabi na talaga ng female personality ang box ng mga alchol niya!

“Natatakot kasi siyang magkasakit, maaga pa lang, e, kinokontra niya na ang mga germs, mukhang maganda naman ang nakaugalian niya dahil hindi nga siya tinatablan ng sakit!” simulang kuwento ng aming impormante.

Pero may mga naiinis sa kanya, naaartehan ang mga kasamahan niyang personalidad sa ginagawa niya, nakakahiya raw ‘yun dahil baka sabihin ng mga kababayan natin na nandidiri siya sa mga kumakamay sa kanya.

“Pero wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang protection niya ang iniintindi niya, matinding cause nga naman ng pagkakasakit ang mga germs.

“Nu’ng minsang mag-shooting siya sa iskuwater, e, nakita siya ng mga tagaroon na sa bawat take niya, e, punas siya nang punas ng alcohol sa mga palad niya.

“Basta, wash siya nang wash ng mga kamay niya na alcohol ang gamit niya. Sobrang malinis nga sa sarili niya ang female personality, banidosa siya, pinaninindigan niya ang nakasanayan na niya kahit saan siya magpunta.

“Ayaw niya kasi sa marumi, ayaw niya sa masikip, ayaw niya sa mga lugar na may malaking imbitasyon sa pagkakasakit!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Lito at Mark Lapid sasabak sa eleksiyon, Coco mababawasan ng tropa

Huwebes nang hapon ay hindi namin nasarili ang aming cellphone dahil sa dami ng mga tumatawag at nagte-text. ‘Yun ang panahong nagdeklara nang tatakbo sa darating na eleksiyon ang mag-amang Lito at Mark Lapid.

Babalik sa Senado ang ama at kakandidato namang mayor sa kanilang probinsiya ang anak. Paano na raw ‘yun? E, di papatayin na rin daw sa Ang Probinsyano sina Pinuno at Tigre na mga miyembro ng Vendetta?

Nakakaaliw ang mga nang-uusisa sa amin, mababawasan na raw ang tropa na pinamumunuan ni Ricardo Dalisay, dahil bawal na silang lumabas sa kahit anong programa kapag nagdeklara na sila.

Pero malayo pa bago mang­yari ‘yun. Mga ilang buwan pang mapapanood muna sa ma­tagumpay na serye sina Pinuno at Tigre bago sila pagbawalan dahil ‘yun ang batas na pinaiiral ng COMELEC kapag dumarating na ang halalan.

Ngayon pa naman, kapana-panabik ang mga ek­sena sa FPJ’s Ang Probinsyano, nailigtas na ng Vendetta ang anak ng presidente kaya bilang na bilang na ang mga araw ni Edu Manzano na gumaganap na vice-president.

Text ng kaibigan naming propesor na talagang tumututok gabi-gabi sa serye, “’Yun, o! Kita n’yo ‘yun? Nag-ala Avengers na naman sila nu’ng sumugod sa ospital para iligtas si Aubrey!

“Magaling ding umarte si Ryza Cenon, in fairness, mahal na mahal pa siya ng mga camera dahil napakaganda ng rehistro niya sa screen.

“At ang eksena sa tulay habang inililigtas ni Coco Martin ang tumalon na si Ryza, kaya ba ‘yun ng ibang serye? Grabe ang action, hindi ka na halos makahinga sa sobrang suspense!” papuri ni prop.

Gabi-gabi ay may bagong pasabog ang pinagbibidahang serye ni Coco Martin, hindi tinitipid ng produksiyon ang mga eksena, kaya naman ang mga kababayan natin ay hindi nakalilimot sa pagsuporta sa kanila.

Wala nang pagtataguan pa ang kampo ni Edu Manzano. Hindi sina Pinuno at Tigre ang magpapaalam na sa Ang Probinsyano kundi ang mga karakter na matakaw sa kapangyarihan.

vuukle comment

MARK LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with