^

PSN Showbiz

Mark, Christian, at Julie Anne takot tanungin si regine sa paglipat

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark, Christian, at Julie Anne takot tanungin si regine sa paglipat

Maingat ang mga artista ng bagong programa ng GMA 7 na Studio 7 sa pagsagot tungkol sa napapag-usapang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN.

Ipinakilala na kasi sa press ang lahat ng kabilang sa bagong musical show na ito na pinangungunahan nina Mark Bautista, Christian Bautista at Julie Anne San Jose.

Hindi raw alam ni Julie Anne kung ano talaga ang totoong kuwento kaya wala raw siyang masasabi tungkol diyan.

“Let’s wait and see na lang,” safe na sagot ni Christian, dahil wala pa naman daw ina-announce si Regine.

Nagugulat na lang daw si Mark na may ganun palang isyu.

Sabi lang ni Mark; “Alam mo sa lahat na artists dito sa GMA, kung saan sila masaya…kasi ako naman from other network din naman.

“Ako, kanya-kanyang posisyon…kung saan ka masaya alam mo yun?”

Sinundan namin ng tanong si Mark kung nagkaroon ba ng pagkakataong nag-usap sila ni Regine.

“Natatakot din akong magtanong sa kanya ng mga bagay-bagay kasi very sensitive yung mga bagay na yan. So, ayoko nang makialam.

“Sana, kinausap ko na pala no? Para magkaalaman na,” nakangiting pahayag ni Mark.

Aminado si Christian na may pressure sa kanila itong Studio 7 dahil mataas ang expectations sa kanila lalo na’t hindi kasali rito si Regine.

Pero mataas ang kumpiyansa nila sa The Clashers na magiging bahagi nito.

Mataas kasi ang rating ng The Clash hanggang sa natapos ito, at inaasahan nilang ang mga sumusubaybay sa mga Clashers ay itutuloy sa Studio 7.

“Ang susundan talaga ng tao, ang The Clashers. Kasi aabangan talaga nila yung growth nila, kung ano pa ang ipapakita nila.

“Saktung-sakto para sa kanila na right after the finals pasok agad sa musical variety show na same timeslot, same audience. Ang perfect talaga for them,” saad ni Christian.

Bukod sa mga Clasher at ang grand champion nilang si Golden Cañedo, kabilang din sa Studio 7 sina Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Migo Adecer, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Mikee Quintos at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Magsisimula na sila sa October 14, Linggo ng 7:40 ng gabi.

Mocha nag-promise na mas magiging palaban

Ang resignation ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng PCOO ang isa sa nag-trending sa social media kahapon.

Bago pa umupo sa budget hearing sa Senado kahapon, usap-usapan na ang tungkol sa pagre -resign niya, na iyun nga raw ang pasabog na sasabihin niya.

Sabi ni Mocha sa Senado kahapon; “Malaya na po ako muli na makipaglaban kasi nawala yung ako dati eh, dahil kailangan sumunod sa ganito, sumunod sa ganyan.

“Pinigilan kang magsalita kasi hindi ibibigay ang budget. Pero ngayon, asahan nyo na mas magiging matapang pa.

“Siguro kung may panghihinayang, yung malungkot ako dahil yung pagkakataon na makapanilbihan sa bayan. Pinahirapan natin na i-connect yung ordinaryong tao sa Malacañang, sa Pangulo, sa social media.

“Pero hindi naman po ako titigil eh. Mas lalo pa po akong tutulong ngayon, mas lalo po pa pong pagbutihin.”

Mabilis na kumalat sa social media ang balitang ito, at karamihan sa mga nabasa kong reaksyon ng netizens ay todo-todong panlalait kay Mocha.

Mother Lily bonggang mag-share

Napapag-usapang nakalikom daw ng P1.6M na donasyon sa nakaraang ABS-CBN Ball.

Para sa Bantay Bata Village ang nalikom, kaya may magandang purpose naman ito kahit tinuligsa ni direk Mike de Leon.

Pero sa P1.6M na yun, isang milyon pala ang nabigay ni Mother Lily Monteverde.

Kaya kahit luma na at inulit lang ni Mother Lily ang suot na gown, nakapagbigay naman siya nang bongga sa Bantay Bata. Hindi ‘yung pumorma lang at nagpabongga sa naturang ball.

“I cannot blame them naman because they’re still young. They want to be ano…

“Okay naman yan..ganu’n din ako nung araw di ba? Magastos,” nakangiting pahayag ni Mother Lily sa send off party ng Busan International Film Festival kamakalawa ng gabi.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with