^

PSN Showbiz

Vice harbatera na rin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vice harbatera na rin!
Vice

Mana-mana lang…

Nakarating sa akin ang sinabi ni Vice Ganda sa It’s Showtime noong Sabado na baka siya ang anak ko na nawawala dahil ako ang Harbatera Queen.

Ang kuwento, guest si Sharon Cuneta sa It’s Showtime dahil nag-promote siya ng 40th anniversary concert niya sa September 28.

Napansin ni Vice na parang itinatago ni Sharon ang expensive watch nito na type niya na harbatin, kahit kabibigay lang sa kanya ni Sharon ng diamond-studded bracelet.

Nag-dialogue si Vice na haharbatin nito ang relo ni Sharon  bilang harbatera rin siya dahil siya nga ang anak ko na nawawala.

Hmmm, dahil sa pralala ni Vice, lagot siya sa akin. Kapag kaming dalawa ang nagkita, haharbatan ko talaga siya para ma-feel niya na ako nga ang kanyang nanay-nanayan kung ang panghaharbat ang pag-uusapan.

Paboritong make up ng mga artista nasa ‘Pinas na

Nabalitaan ko na malakas ang benta ng Vice Cosmetics kaya kailangang bigyan ako ni Vice ng make up products niya na nadagdagan ng kakumpitensya dahil naririto na sa Pilipinas ang Naturactor Make Up and Skin Cosmetics na sikat na make up brand sa Japan.

Ang Meiko Cosmetics ang manufacturer ng Naturactor na popular sa mga local star natin.

Sikat na sikat sa Japan ang Naturactor na sini­mulan ng Meiko Cosmetics noong 1948, isang taon pagkatapos ng 1st birthday ko.

Ginanap noong Sabado sa isang hotel sa Quezon City ang grand launch ng Naturactor at malapit sa puso ko ang organizer kaya tinutulungan ko siya na i-share sa lahat ang good news na naririto na sa bansa ang Naturactor.

Hindi na kailangan ng mga artista na gumagamit ng Naturactor Cosmetics na magpabili nito sa mga kakilala nila na nagbabakasyon sa Japan dahil avai­lable na nga ito sa Pilipinas.

Laos na boldstar, laya na naman

Nakalaya na pala mula sa kulungan ang isang has-been bold star na caught in the act noong 2016 na gumagamit ng illegal na droga.

Wala akong maramdaman na simpatiya sa nalaos na bold star dahil siya rin ang dapat sisihin sa nangyari sa buhay niya.

Kung hindi nalulong sa masamang bisyo ang has-been bold star, hindi masisira at mapapariwara ang buhay niya.

Siguro naman, titino na ang has-been bold star at seseryosohin nito ang pangako na magbabagong-buhay.

Pareho na lang sila ng isang bold star na nakaaway niya noon na binale-wala ang malaking oportunidad at suwerte na natanggap.

Wala talagang maidudulot na kabutihan sa katawan at buhay ang paggamit ng illegal drugs. May mga tao na malalakas ang loob na sumabak sa masamang bisyo pero kapag nahuli naman, masahol pa sa maamong tupa sa pagmamakaawa na bigyan sila ng second chance.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with