^

PSN Showbiz

Marian may kambyo sa plano sa pulitika ni Dingdong

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian may kambyo sa plano  sa pulitika ni Dingdong
Marian & Dingdong

“Walang masamang mangarap lalo na nga kung ikabubuti naman ng kapwa,” sagot ni Marian Rivera kahapon tungkol pa rin sa mainit na isyung kakandidato nga raw ang mister niyang si Dingdong Dantes.

Iba-iba na kasi ang lumalabas. Merong senador, party list representative, congressman, ang umano’y posisyon na planong kandidatuhan ng aktor. “Ang asawa ko na lang ang tanungin n’yo tungkol diyan,” sabi ni Yan kahapon sa presscon para sa early Christmas treat ng GMA Pinoy TV sa US na Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa October 7 at The Grove of Anaheim in Los Angeles, California kung saan isa sa performers si Marian.

Nauna nang sinabi ng GMA primetime queen na may plano ang mister niya pero hindi pa nga sila nakakapag-usap ng heart to heart. Though nabanggit niya rin na may gagawin ang actor na teleserye.

Anyway, nag-promise siya na isang total performer na Marian ang mapapanood ng mga kababayan natin sa California. Kasama niya sa early Christmas show sina  AiAi delas Alas, Julie Anne San Jose and Christian Bautista. “Sisiguraduhin ko na bingi na sila pag-uwi nila,” sabay tawa ni Mrs. Dantes kahapon. “Of course, hindi mawawala ang kanta. Sing along at higit sa lahat, hindi mawawala ang sayaw. Kaya abangan nila ang paghataw ko. ‘Yun talaga ang forte ko!,” susog niya.

“Seriously excited ako at nagagalak na ipadama sa mga Kapuso natin sa Amerika ang totoong diwa ng Pasko.  Siyempre iba pa rin ‘yung saya kapag kasama mo mag-celebrate ‘yung pamilya mo, mga kapwa mong Pinoy, kaya ‘yun ang gusto naming ihatid sa kanila,” she emphasized.

Pero anong early Christmas gift naman ang gusto niyang matanggap?

“Siyempre alam na ‘yan, yung gusto ko talaga,” na ang tinutukoy ay kapatid ni Zia.

Sa previous interview nga kasi ay sinabi na ni Marian na kahit si Zia ay nagre-request na ng baby brother.

Sa pictures niya nga kahapon sa social media, umaasa ang fans na preggy na si Marian dahil nga madalas na raw itong naka-flat shoes.

Yesterday kasi sa presscon ay naka-flat shoes na naman siya kaya ang feeling ng fans baka preggy na si Marian.

Pero teka kasama niya bang bibiyahe sa Anaheim si Dingdong and Zia?

“Pag-uusapan pa lang. Baka kasi ma-jetlag ang anak ko eh pumapasok pa siya. Pag-usapan naming mag-asawa. Si­yempre, kung ano ‘yung makakabuti sa anak ko. Ano ba naman ‘yung five days? Sacrifice lang muna ako eh pumapasok siya at ayoko siyang magkaroon ng jetlag.”

Familiar na si  Marian sa situation ng mga kababayan nating OFW dahil nga sa weekly drama anthology niyang Tadhana na ang pini-feature ay ang mga kuwento ng mga kababa­yan nating nakikipagsalaran sa ibang bansa,

At any rate, for more updates on Kapuso events abroad, follow GMA Pinoy TV on Facebook, Twitter, Instagram (@gmapinoytv), and visit the GMA Pinoy TV official website at www.gmapinoytv.com.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with