Andi pasa-pasa ang mukha matapos maaksidente sa surfing
Naaksidente si Andi Eigenmann habang nagsu-surfing.
Napuruhan ang mukha niya na animo’y binugbog pagkatapos. Kaya naman mabilis ang reaction na baka nga sinaktan siya.
Sa Baler na nakatira si Andi dahil nga sa kabaliwan niya sa water activities.
Pero mabilis ang naging paliwanag niya na wala sa kanyang nanakit. “Then after swelling subsided it turned into this. So NO. Nobody beat me up. Nobody hurt me. I am fine! Accidents happening. I love surfing! And if no minor accident will make me quit, neither can your nonsense,” sabi niya sa kanyang IG story na sagot daw niya sa mga chismosa.
Paliwanag niya pa, sinabi raw ng doktor niya na malamang ay trauma ang mga naging pasa niya dahil sa maliliit na sugat.
Though pag nakita mo naman kasi ang photo parang talagang nabugbog siya. At dahil din siguro sa madalas na pagbabad sa tubig, nawala na ang kutis artista niya.
- Latest