^

PSN Showbiz

Bokalista ng banda, binubulsa ang allowance ng tropa

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Inaasa sa regalo ng fans

Hindi lang mga artista ang kilala sa pagiging kuripot. May mga musikero ring balitang-balita ang kahigpitan ng kamao sa paglalabas ng biyaya.

?Kung maraming naiinis sa isang bokalistang nuno nang kasupladuhan, kung maraming naloloka sa pagiging maldito ng isang male performer, ay kilalang-kilala rin ang isang musikero sa pagi­ging kuring.

?Kuwento ng aming source, “Di ba, kapag kinukuha ang mga singers para mag-perform sa ibang bansa, e, nagbibigay ng per diem ang mga producers? SOP ‘yun, kailangang may daily allowance ang mga performers kapag nagso-show sila sa ibang bansa.

?“Natural, ang bokalistang ito pa ba naman ang mawawalan, e, siya ang bumibida sa tropa nila? Siya ang bokalista, siya ang nagdadala sa banda, kaya siyempre, hindi siya mawawalan ng allowance.

?“Pero magaling si male singer, alam na alam niya ang gagawin sa allowance niya. Hindi niya ‘yun ginagastos, umaasa lang siya sa panglilibre ng food ng mga producers nila!

?“At hindi lang ganu’n, maraming faney na nagdadala ng pasalubong na dood sa hotel na tinitirhan nila, kaya ayos na ayos ‘yun para kay ____(pangalan ng kuring na bokalista ng banda)!

?“Buhay na buhay na siya sa mga regalo at pa-lunch at pa-dinner ng mga producers nila, kaya ibinubulsa na talaga niya ang allowance na ibinibigay sa kanilang tropa!

?“Ang ibang mga kasamahan niya, e, lumalabas sa hotel, sinasamantala nila ang pagkakataon na matikman ang mga pagkain sa bansang dinayo nila, pero ang kuring na bokalista, talagang hindi siya lumalabas dahil magkakagastos lang daw siya.

?“Nakakaloka ang lalaking ‘yun, magaling siya sa paghawak ng datung, kaya naman nabibili niya ang mga luho niya sa buhay. Nabibigyan din niya ng magandang buhay ang wife at anak niya, saan ka pa?” mahabang kuwento ng aming impormante.

?Kilalang-kilala ang bandang pinangungunahan ng hindi naman kaguwapuhang bokalista, sikat na sikat ang kanilang mga kanta, kahit uhuging bata ay kayang-kayang kantahin ang kanilang mga piyesa.

?Huling hirit ng aming source, “Paborito niya sigurong food ang itlog. Saka pizza pie, di ba naman?”

?Ubos!

John kasumpa-sumpa  ang ka-trayduran!

Nag-uuminit na naman ang seryeng Ang Probinsyano, buhay na buhay na naman ang dugo ng mga kalalakihang tagasuporta ni Coco Martin, dahil puro barilan na naman ang tutok ngayon ng matagumpay na serye.

?Kuwento ni prop na talagang hindi pina­lalampas ang bawat episode ng maaksiyong serye, “Maaga akong umaalis sa school, ini­uuwi ko na lang ang mga trabahong dapat kong gawin sa school. Sa bahay ko na ‘yun ginagawa.

?“Mahirap na, baka kasi hindi ko abutan ang Ang Pro­binsyano, lalo na ngayong pinagplanuhang ipapatay ni Edu Manzano ang pamilya ng presidente. Ang ganda-ganda ng mga eksena, ayokong palampasin ‘yun!

?“Malakas ang kutob ko na mapapatay si Vice-Gover­nor Jolo Revilla dahil siya ang close-personal aide ng presidente. Baka siya ang magbuwis ng buhay para lang makaligtas ang binabantayan niya.

?“Siguradong mapupuruhan din si Dawn (Zulueta) at ang mga anak nila ng pangulo, nandu’n na kasi ang mga traydor sa paligid nila, napakawalanghiya ng role ni Edu!

?“Kasumpa-sumpa siya at si John Arcilla, mga traydor!” galit na galit na kuwento sa amin ni prop na ikinahahalakhak namin dahil sobra itong apektado ng serye ni Coco Martin.

?Nagdiriwang na ng kanyang ikatlong taon ngayon ang Ang Probinsyano, bibihirang serye ang nakaaabot nang ganu’n katagal, malaki ang utang na loob na tinatanaw ni Coco Martin at ng Dreamscape Entertainment sa mga kababayan nating hindi bumitiw sa kanilang palabas mula nang unang gabi nila sa telebisyon.

?Hindi naman kasi talaga sayang ang panahong ginugugol natin sa pagsubaybay sa serye, makatotohanan ang kanilang istorya, mukha ng lipunan ang Ang Probinsyano.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with