^

PSN Showbiz

Mother Lily umaming type si Pepe

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily umaming type si Pepe
Mother Lily at Pepe

Tuwang-tuwa si Pepe Herrera sa dialogue ni Mother Lily Monteverde sa grand presscon ng The Hopeful Romantic noong Huwebes.

Habang nagaganap ang question and answer portion, kinuha ni Mother ang microphone at nagsalita siya ng “Ako naman, type ko siya talaga. Iba si Pepe, hahahaha.Very deserving for him to do this movie.Congratulations.”

Siyempre, touched na touched si Pepe sa pralala ni Mother. Malaking karangalan para sa katulad niya na maging ‘type’ ng isang ins­titusyon sa Philippine movie industry.

Baka nga hindi pa isinisilang si Pepe nang magsimula si Mother na mag-produce ng mga pelikula kaya pinahahalagahan niya ang mga papuri sa kanya ng Regal matriarch.

Ritz gold digger 

Si Ritz Azul ang leading lady ni Pepe sa The Hopeful Romantic at gold digger ang role niya sa Regal Films movie na showing sa mga sinehan sa September 12.

Masaya si Pepe dahil si Ritz ang kapareha niya. Gandang-ganda si Pepe kay Ritz, lalo na kapag walang make up ang aktres na nakatrabaho niya noon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Nakita ko siya sa Ang Probinsyano, napatingin talaga ‘yung ulo ko, 360 degrees kasi ang ganda po niya kahit walang make up.

“Sinasabi ko ‘yon sa kanya. Iilan lang ‘yung parang mas maganda kapag walang make up. Tapos walang arte kaya masarap na katrabaho.

“Ang masasabi ko lang, ako po ay lalake rin na nakakaramdam ng karupukan kapag ako ay nag-iisa. Ang masasabi ko po ay si Ritz ay very desirable, 110 percent,” ang mga komento ni Pepe tungkol sa kapareha niya sa The Hopeful Romantic.

Eugene sobrang choosy na

Nakabalik na ng Pilipinas si Eugene Domingo dahil may nakakita sa kanya sa isang business establishment somewhere in Morato Avenue noong Martes.

Ang akala kasi ng fans, nasa Italy pa si Eugene at bumibisita pa sa kanyang rumored husband, ang Italian na si Danilo Bottoni.

Nabanggit ang name ni Eugene sa presscon noong Miyerkules para sa mag-amang Jinggoy at Janella Estrada.

Si Eugene ang napipisil ni Jinggoy na leading lady sa pelikula na gagawin niya pero naka-hold muna ang project dahil hindi pa raw available ang comedienne na lumilipad sa Italy kapag may libreng oras para ma­ka­piling ang kanyang Italian dyowa.

Mula nang makilala ni Eugene ang kanyang true love, piling-pili na ang mga project na tinatanggap niya. Sa tuwing nagpupunta siya sa Italy, sinisiguro ni Eugene na mag-advance taping para sa mga episode ng Dear Uge.

By the way, sina Gloria Diaz, Pen Medina at Joyce Ching ang special guests sa My Nanay Pasaway, ang episode ngayong hapon ng Dear Uge.

Sosyal si Gloria dahil magkasunod na araw na napanood siya sa mga prog­rama ng GMA 7. Ang dating Miss Universe ang gumanap na Mila Ocampo sa life story ni Snooky Serna na ipinalabas kagabi sa Magpakailanman at may pamagat na Ang Babae sa Likod ng Blusang Itim: the ups and downs of Snooky Serna.

I’m sure, wondering ang mga kabataan sa title ng life story ni Snooky sa Magpakailanman.

Ang Blusang Itim ang fantasy movie ng Seiko Films na tinampukan ni Snooky noong 1986. Leading man niya sa Blusang Itim si Richard Gomez. Pinilahan sa box office ang pelikula nina Snooky at Richard na sikat na nobela sa komiks noong uso pa ito.

Katulad ng song hits, isang alaala na lang ang komiks na natsugi na rin pero nagpasikat noon sa mga nobelista na sina Mars Ravelo, Pablo Gomez, Elena Patron at Carlo Caparas.

vuukle comment

LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with