^

PSN Showbiz

Gretchen ayaw magsayang ng oras sa ibang manliligaw

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gretchen ayaw magsayang  ng oras sa ibang manliligaw
Gretchen

Mahigit isang taon na mula nang magkahiwalay bilang magkasintahan sina Gretchen Ho at Robi Domingo. May bagong kasintahan na ngayon ang aktor samantalang si Gretchen ay wala pang bagong karelasyon. Masaya umano ang dalaga para kay Robi ngayon.

“Okay naman kami. Wala naman kaming samaan ng loob. Okay lang, seeing him happy, gaya ng sabi ko, that’s all we want for each other at the end of the day,” makahulugang pahayag ni Gretchen.

Samantala, nauugnay sa dalaga ngayon ang abogadong si Gideon Peña.

“Crush ba niya ako? Hindi ko alam ‘yon ah, we’re friends. He’s a good person. He’s very smart and I actually followed him on Twitter. Kasi I like his opinions eh, parang I tend to follow smart people online para I get different perspectives. We just had dinner with friends once pero marami kami no’n. With my cousin kasi friend siya ng cousin ko then with my best friend,” paliwanag ni Gretchen.

Aminado naman ang TV host na mayroong mga nanliligaw sa kanya ngayon.

“Hindi pa ako nag-e-entertain pero I’m open naman to it. Marami lang din akong ibang iniisip right now. I feel like it’s going to come when it’s going to come. I don’t want to force things, I’m open to dating. Meron kasi mga nagta-try pero hindi lahat ini-entertain natin. Kapag gusto eh, kapag hindi, hindi ko pinipilit kasi I don’t like wasting time dahil I’m really busy,” pagtatapat ni Gretchen.

Zeus laging napapagkamalang tatay na!

Proud si Zeus Collins sa ginawang pag-amin kamakailan ng kaibigan na si Jon Lucas tungkol sa pagkakaroon nito ng asawa at anak. Para kay Zeus ay hindi madaling gawin ang naging desisyon ng dating kasamahan sa Hashtags.

“Proud ako sa kanya, proud na proud ako kay Jon dahil alam kong gustung-gusto niya talagang ilabas ‘yon. Masa­yang-masaya ako dahil alam kong masaya din siya sa ginawa niya,” bungad ni Zeus.

Ayon sa baguhang aktor ay madalas din siyang napagkakamalang mayroon ng anak kahit noon pa man. “Siguro dahil ganito ‘yung itsura ko. Marami akong tattoo at parang mas may edad ako sa mga Hashtags kaya ‘yon ang naiisip nila, na may baby na ako, pero ang totoo, waley. Wala akong ilalabas, gagawa pa lang,” natatawang pahayag ni Zeus.

Matagal pa raw ang aantayin ng aktor bago siya magkaroon ng sariling pamilya. “Wala ngang girlfriend, baby pa? kanino naman? hahaha! Sa ngayon kasi pamilya ko muna ‘yung iintindihin ko saka ‘yung trabaho ko,” giit ng binata.

vuukle comment

GRETCHEN HO

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with