^

PSN Showbiz

Mike hinihintay bumalik sa 24

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mike hinihintay bumalik sa 24
Mike

Super agree ako sa observation ni Nay Lolit Solis na iba ang dating ng 24 Oras pag wala si Mike Enriquez.

Di ba talaga namang may kakaibang appeal ang news program ng GMA 7 pag andun si Mr. Mike?

Sabi ni Nay Lolit sa kanyang Instagram account kahapon : “Sa tagal niya sa news program, siya na ang nakasanayan mo na nagbibigay ng news at trademark na talaga iyon uubo siya at magsasabi ‘excuse me’. Hinahanap-hanap mo na siya araw-araw, hindi lang sa 24 Oras kundi sa DZBB sa radio show niya. Siguro nga habit talaga iyon pagkagusto mo sa isang programa, at sanayan din sa kung sino ang pinapanood mo. Laking bagay na wala si Mike, para bang kulang at hindi buo ang balita, parang lalo mo pa siya nami-miss pag nanood ka at nakinig. Pero at least alam natin na kaya wala siya kasi nga dahil sa health reason, at isang araw balik na siya ulit. Iyon nangyari kay Gary Valenciano, iyon din exactly ang case ni Mike Enriquez, kaya walang ikatatakot dahil tingnan mo si Gary hayun balik-trabaho uli. Naku Papa Mike ha, basta balik trabaho ka, pahinga konti, dami mong fans noh!,” sabi ni Nay Lolit sa kanyang IG account kahapon.

True naman. Wala pang puwedeng makapalit sa kanya at maging kay Arnold Clavio.

Si Arnold ang temporary replacement ni Mr. Mike sa 24 Oras at nung minsan ay nag-pinchit sina nina Atom Araullo and Ivan Mayrina. Nakasama sina Vicky Morales and Heart Evangelista. Ok naman sila. Pero siyempre,   iba talaga. Promising sila. Pero habit kasi ang panonood ng news program. ‘Yung lakas ng dating ng mga nagde-deliver nito ang nagpapalakas sa bawat balitang kanilang iniere.

Get well soon Mr. Mike. Tulad ni Nay Lolit kasama rin ako sa mga naghihintay sa pagbabalik niya sa banner news program ng Kapuso Network.

vuukle comment

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with