Balangiga sa social media nag-aapela, hindi dumudulog ng formal sa CEB
Natawa naman ako sa idea na kailangan talagang magpa-forum para sa isyu na hindi nagtamo ng grade mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Balangiga: Howling Wilderness na isa sa mga napanood sa Special Features ng katatapos na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).
Bakit kaya hindi na lang nila kausapin ang CEB o ang FDCP (Film Development Council of the Philippines), si Chair Liza Diño, para mas mabilis na magkaliwanagan.
Wow, kailangan talaga may pa-forum? Kung i-address na lang kaya ni Direk Kahvn dela Cuz ang apela nila sa CEB (formal appeal). Talaga bang dapat sa social media o sa forum pa?
Napanood na kaya nila ang pelikula?
Ako, hindi pa. Hindi ko napanood sa CEB review at hindi ko na inabutan sa mga sinehan.
Bakit hindi mag-demand si Direk Khavn ng pormal na paliwanag sa CEB? Ito ang tamang proseso upang makakuha siya ng opisyal na kasagutan sa kanyang hinaing.
May ilang bagay na nadadaan sa maayos na usapan at hindi sa pa-forum na parang gustong palakihin lang naman ng ibang ang pakilala ay nagmamalasakit sa industriya pero parang may kulay ng pang-iintriga lang naman.
Oo may kanya-kanya tayong reaction sa bawat pelikulang napapanood natin. At bawat isa sa atin, hindi puwedeng diktahan, hindi puwedeng impluwensiyahan.
Ang CEB bilang isang collegial body ay may sariling pananaw sa bawat pelikulang nag-aaply ng incentives mula sa gobyerno. Ang CEB rin ay hindi nagbibigay ng award kaya iba ang category na kanilang pinanggagalingan.
Baka naman may ilan lang gustong maki-ride sa issue?
‘Wag gawan ng isyu ang isang bagay na puwedeng pag-usapan sa maayos na paraan.
- Latest