^

PSN Showbiz

Vhong pumayag maghubo sa pelikula nila ni Winwyn

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Vhong pumayag maghubo sa pelikula nila ni Winwyn
Vhong

ACTIOn ni Erich, R16 na

PIK: Grade A ng Cinema Evaluation Board ang Signal Rock, The Day After Valentine’s, Bakwit Boys, at Ang Babaeng Allergic sa Wifi.

Grade B naman ang binigay nila sa Unli Life, Pinay Beauty, at Madilim ang Bukas.

Hindi man nabigyan ng grade ang We Will Not Die Tonight, nagpa-review naman uli ito sa MTRCB kaya mula sa R 18, naging R 16 na ito. Kaya mapapanood na rin sila sa mga SM cine­mas at posible pang madagdagan sila ng mga sinehan.

Nagtataka nga raw ang ilang filmmakers bakit hindi ito nabigyan ng grade, gayung ang dami raw sa selection committee ang nagandahan sa natu­rang pelikula.

Mahuhusgahan ito ngayong araw sa pagsisimula ng PPP, dahil ito lang ang pelikulang aksyon.

PAK: Kung si Mariel de Leon ang masusunod, ayaw daw niyang makasama ang Nanay at Tatay niyang sina Sandy Andolong at Christoper de Leon sa isang project.

Nagkasama lang sila ni Boyet dati sa Across the Crescent Moon pero hindi naman sila magkaeksena. Medyo weird daw sa kanya kung makaeksena niya ang mga magulang niya.

“Out of all the people, I’m the most conscious with my parents,” pakli ni Mariel nung nakatsikahan namin ito kamakalawa ng hapon.

“Of course, they’re the ones that you always wanna make proud…and never wanna disappoint.

“So parang… I don’t wanna work with them na lang.

“Siguro, later on, pero not now,” dagdag niyang pahayag.

Tingin kasi ni Mariel, kulang pa ang alam niya sa pag-arte at hindi pa siya ganun kakumportableng makaeksena ang magagaling na talaga.

Thankful naman si Mariel dahil pagkatapos ng Ang Panday kasama si Coco Martin, magaganda naman daw ang mga proyektong naibibigay sa kanya.

Kasama siya sa isang digital film ng ABS-CBN na Barbara Re­imagined na remake ng Patayin sa Sindak si Barbara kung saan kasama niya sina JC de Vera at Nathalie Hart.

Type na type raw niya kasi ang horror at gustung-gusto niya ang role na isang multo.

Nagulat nga siya nang nalaman niyang buntis na pala si Nathalie nung ginagawa nila ang pelikula. Hindi niya akalaing buntis na ang sexy star na mas payat pa raw sa kanya.

Kasama rin si Mariel sa Latay na kung saan nakipagsampalan pa siya kay Lovi Poe. Meron din siyang gagawin sa Regal, pero hindi pa raw niya alam kung sinong makakasama niya.

Si Mariel din ang first cover ng digital issue ng FHM, at gustung-gusto niya ang mga sexy picto­rials niya na hindi naman daw bastos ang dating.

Kaya nga kailangan niyang ma-maintain ang kapayatan at kaseksihan na sabi nga ni Manay Lolit Solis, hindi niya maisip kung paano pumayat si Mariel, dahil sobrang taba raw nito nung bagets pa siya.

BOOM : Ayaw pa rin ni Vhong Navarro na magsalita tungkol sa kung may plano na nga ba sila ng partner niyang si Tanya Bautista na magpakasal.

Sabi lang ng bida ng Unli Life nang nakatsikahan namin sa premiere night nito kamakalawa ng gabi; “Basta tulad ng sinasabi ko dati, siya na ang gusto kong makasama forever. Kung ano man yung nangyari sa buhay ko, gusto ko siya na ang makasama ko habang buhay.”

Wala siyang sinasabing detal­ye ng kasal, dahil napaka-private naman daw kasi ng girlfriend niya kaya wala na muna siyang sagot kung kailan ba at kung saan nila ito gagawin.

“Kasi napaka-private ng partner ko eh. Kung mangyari man ‘yun sa buhay namin, gusto na­min kami na lang muna,” safe niyang pahayag.

Excited si Vhong dito sa Unli Life dahil kakaiba raw ito sa mga comedy film na nagawa niya.

Dito lang pumayag si Vhong maghubad na nakakatawa naman ang dating sa eksena.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with