^

PSN Showbiz

Angelica at Glaiza, nag-camping sa Japan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angelica at Glaiza, nag-camping sa Japan
Angelica at Glaiza

Kamakailan ay magkasamang nagpunta sa Japan ang magkaibigan na sina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro upang dumalo sa Fuji Rock Festival.

Ayon kay Angelica ay matagal na nila itong naplano ng Kapuso actress. “Matagal na planning, mga two years siyang plinano. Takot kami, takot kami dahil baka kung ano magawa namin do’n. Wala kaming idea at all. So ayun, naging okay naman. As in sobrang worth it lahat ng pagod do’n sa saya na na-experience namin during the show, during the festival,” kwento ni Angelica. “Liberating siyempre, medyo humbling. Nag-camping lang kami for three nights. Mahirap, talagang challenge sa friendship, physically and mentally. ‘Yung utak ko na kumakausap sa katawan, ‘Sige, sige kaya mo ‘yan, laban mo,’” dagdag pa ng aktres.

Matatandaang si Angelica ang sumulat ng kantang Magandang Simulain para sa album ni Glaiza.

Umaasa ang Kapamilya actress na makapagsulat muli para sa matalik na kaibigan. “Mukha naman, madami kasi kaming sinusulat. Sobrang dami naming mga sinusulat na kung anu-ano. Minsan parang kung ano lang ‘yung pinakakailangan do’n sa specific na… minsan kapag ‘yung emosyon mo biglang ‘pag binasa mo ay, ‘Ang ganda pala nito. Sige nga, lagyan nga natin ng music,’ ganyan. So depende siguro ‘yon sa magiging mood talaga,” pagbabahagi ni Angelica.

Matapos ilaban ang career Sylvia, sobrang proud kay Arjo

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan at mainit na pinag-uusapan ang pelikulang Buy Bust na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Brandon Vera.

Kabilang din sa nasabing proyekto si Arjo Atayde na kahit kakaunti ang mga eksena ay talaga naman tumatak sa mga manonood.

Bilang isang ina ay sobrang proud umano si Sylvia Sanchez para sa lahat ng mga papuring natatanggap ni Arjo. “Siyempre proud mom. Sobra akong lumulutang din ako para sa anak ko. ‘Yung feeling na parang, wow! Kasi ito talaga ‘yung inilaban namin ni Arjo sa pamilya namin,” nakangiting pahayag ni Sylvia.

Tutol ang pamilya sa pag-aartista ni Arjo noong nagsisimula pa lamang ang aktor. “From the start ayaw talaga siya pag-artistahin, kasi ang gusto ng pamilya mag-aral, tapos mag-business. Tapos ako, ang galing ng anak mo. Kaysa ‘yung sinasabihan ako na magaling ka, siyempre tunay na trophy ‘yon bilang isang ina,” kwento ng beteranang aktres.

Masayang-masaya si Sylvia para sa lahat ng mga ginagawang proyekto ni Arjo sa ngayon lalo pa’t marami ang nakapapansin sa pagiging magaling na aktor ng anak. “Napatunayan talaga ni Arjo na, ‘Ito ‘yung field ko, na ito ‘yung gusto ko.’ Kasi magulang lang naman tayo, guide lang nila tayo,” pagtatapos ni Sylvia.

 

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with