^

PSN Showbiz

Sikat na young actor nahahawa sa kamalditahan ng gf na aktres!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palihim na pinagkukuwentuhan ngayon sa isang malaking network ang napapansing malaking pagbabago ng isang sikat na young actor. Napakalaking pagbabago ayon sa kanyang mga nakakatrabaho.

Siguro nga raw ay masyado na siyang nagpapaniwala sa mga papuring tinatanggap niya, nalunod na raw sa isang basong tubig ang young male personality, puwede rin daw na nahawahan na siya ng kamalditahan ng kanyang kapareha sa harap at likod ng mga camera.

Kuwento ng aming source, “Ang mga baguhan kasing artista, e, tinatatakan habang nag-uumpisa pa lang. Mapagkumbaba, walang reklamo, mabait sa mga katrabaho at marespeto sa mga kapwa niya artista.

“Lahat naman ‘yun, in fairness, e, nakita nila kay ____(pangalan ng sikat na young actor). Palibhasa, bagito pa lang sa showbiz, nasa kanya ang lahat ng magagandang palatandaan.

“Pero lately, dahil sikat na nga siya, e, marami nang napapansin sa kanya ang mga katrabaho niya. Mainitin na ang ulo niya, parang naiinip na siya kapag nagtatrabaho, tanong na siya nang tanong ng oras sa mga katrabaho niya.

“Iniintindi naman siya ng mga kasamahan niya. Siguro nga, e, halos wala na siyang tulog at pahinga dahil sa dami ng work niya. Alam naman natin ang taong puyat, nakalutang ang utak, di ba?

“Iba pa rin kasi ang kumpletong tulog kesa sa panakaw-nakaw lang ng idlip. Pagod na pagod na siguro siya, kaya kung minsan, e, para na siyang naiinip sa mga ginagawa niya.

“Puro pag-iintindi na nga lang ang ibinibigay sa kanya para wala nang problema, pero sa mga panahong hindi nababantayan ang ugali ng young actor, e, mukhang nagkaka-attitude na nga siya.

“Sa gitna ng work, e, tingin siya nang tingin sa relo, parang gusto na niyang matapos ang mga eksena niya, kaya may mga nakakapansin sa pagbabago niya.

“Malaking factor din ang mga kuwentong nahawa na kasi siya sa kamalditahan ng girlfriend niya. Palagi kasing nakasimangot ang girl, parang palaging nakakaamoy ng kung anong mabaho.

“Dahil madalas silang magkasama, iniisip ng iba na baka nakuha na rin niya ang ugali ng girlfriend niya. Hindi raw magandang influence ang girl, sabi pa ng mga taga-network nila.

“Naku, huwag naman sanang totoo ang mga kuwento tungkol sa sikat na young actor, nakakalungkot dahil maaga siyang kinapitan ng kakaibang ugali. Huwag naman sana dahil napakaaga pa.

“Mahaba pa ang tatakbuhin ng career niya kundi siya kakikitaan ng negang ugali. Paano pa siya matatawag na good son kung ganyan na marami nang nakakapansin sa pagbabago niya?” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Luchi Cruz nagbabalik, News 5 masiglang-masigla na naman!

Masigla na uli ang kapaligiran sa departamento ng news ng TV5. Ibang-iba talaga kapag nandu’n ang kapitan, kitang-kita ang entusiyasmo sa pagtatrabaho ng kanyang mga nasasakupan, balik na sa dati ang sigla at ramdam na ramdam namin ‘yun.

Matagal ding hindi nakapagtrabaho ang hepe ng News 5, matindi ang pinagdaanang hamon ni Ms. Luchi Cruz-Valdes sa aspeto ng kanyang kalusugan, marami siyang prosesong nalampasan na matagumpay naman.

Ngayon ay balik na siya sa dating sigla sa pagtatrabaho, buhay na buhay na naman ang kapaligiran dahil nandu’n na ang kapitan ng barko.

Kung paninindigan ang magiging barometro sa pagseserbisyo ay isa ang pangalan ni Ms. Luchi Cruz-Valdes sa may malalim na pundasyon. Palaging nakahapay sa katotohanan ang magaling na news anchor, walang hindi puwede para sa kanya, basta tama ang kanyang ipinaglalaban.

Sa muli niyang pagpalaot bilang hepe ng News 5 at bilang news anchor ng Aksyon Prime ay isa lang ang palagi naming ipinaaalala sa aming puso.

Nagsasalimbayan ang mga balita araw-araw, oras-oras ay may mga nagaganap na pagbabago sa ating lipunan, pero ang ating buhay ay iisa lang.

Masarap mahalin ang ating sinumpaang tungkulin, pero palaging una dapat ang ating kalusugan, wala pang nadidiskubreng gamot na makapagpapagaling sa stress.

Welkam back sa mundong mahal na mahal mo, Ms. Luchi Cruz-Valdes!

vuukle comment

UCHI CRUZ-VALDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with