^

PSN Showbiz

Selyado na, Dingdong at Dennis bubuhayin sina Cain at Abel

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Selyado na, Dingdong at Dennis bubuhayin sina Cain at Abel
Dingdong at Dennis

Cain at Abel ang title ng coming soon primetime television series nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Sounds familiar sa mga senior citizen ang pamagat ng teleserye dahil Cain at Abel din ang title ng pelikula na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Phillip Salvador noong 1982.

Si Ben Yalung ng Cine Suerte ang producer ng Cain at Abel na drama action movie na natatandaan ko na pinilahan sa mga sinehan dahil bukod sa mahuhusay na aktor, kasikatan noon nina Boyet at Ipe.

Leading ladies ng pelikula sina Carmi Martin at Cecille Castillo. Direktor ng Cain at Abel si Lino Brocka, ang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 1997.

Magkapatid na nagbabanga­yan dahil may favoritism ang kanilang nanay na ginampanan ng veteran actress na si Mona Lisa ang mga role nina Boyet at Ipe sa Cain at Abel.

Lorenzo ang name ni Ipe at Ellis ang pangalan ni Boyet sa movie na hindi ako sure kung kapareho ng kuwento ng Cain at Abel na tatampukan nina Dingdong at Dennis.

Noong 2011, napabalita na gagawin nina Dingdong at Aljur Abrenica ang Cain at Abel pero hindi natuloy ang project.

May plano naman ang GMA Films na mag-produce ng pelikula na Cain at Abel na starring naman sina Alden Richards at Aljur pero hindi pa rin nag-materialize.

Sa interbyu kay Alden noong April 2014, kinumpirma niya na magbibida sila ni Aljur sa Cain at Abel movie pero magkaibigan na nagkasiraan, hindi magkapatid ang mga papel na gagampanan nila.

Si Adolf Alix, Jr. ang direktor at ang GMA Films ang producer pero na-shelved nga ang project na isa nang teleserye na sina Dingdong at Dennis na ang mga bida.

Francine apektado sa bagong batas ng MMDA

Kasama si Francine Prieto sa mga affected sa ipatutupad na batas ng MMDA na hindi puwedeng bumiyahe sa EDSA para mabawasan ang traffic ang mga sasakyan na driver lang ang pasahero.

May dahilan para maimbyerna si Francine dahil sa tuwing may mga appointment siya na pinupuntahan, nag-iisa lamang ang aktres. Walang personal assistant o driver na kasama dahil siya rin ang nagmamaneho sa sasakyan niya.

May suggestion si Francine sa MMDA na hindi lamang ang mga single-driver ban ang pagbawalan sa EDSA. Idamay na rin sa ban ang mga bodyguard na nakabuntot sa mga sasakyan ng mga pulitiko na pinoprotektahan nila.

PPP Parade of Stars nabiktima ng malakas na hangin at ulan

Magsisimula sa August 15 ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines kaya kahapon sana ang Parade of Stars sa Quezon City area.

Kasali sa parada ang mga artista na bida ng walong pelikula na kalahok sa PPP, ang The Day After Valentine’s ng Viva Films, Unli Life ng Regal Entertainment Inc., Signal Rock ng CSR Productions, Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment Productions, Pinay Beauty ng Quantum Films, among others.

Pero hindi talaga pumwede sa sobrang sungit ng panahon kaya pinagpaliban na lang. Sa Tuesday na itutuloy ang malaking event para sa pagsisimula ng PPP ngayong taon.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with