^

PSN Showbiz

Lara pinagpapahinga na sa trabaho

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lara pinagpapahinga na sa trabaho
Lara

Loisa at Ronnie tamis-tamisan na uli!

PIK: Hindi nagpabaya ang fans ni Alden Richards sa pagsisimula ng Victor Magtanggol kagabi. Nag-trending ang hashtag #VictorMagtanggolAngSimula at tinutukan nila ito.

Tutok din naman si Alden dahil bahagi siya ng creative team na ikinatuwa niya nang husto dahil talagang pinapakinggan ang mga suggestion niya at pinapa-approve sa kanya ang ilang detalye ng telefantasyang ito para lalong mapaganda.

Nung nag-workshop daw siya kasi noon sa ibang bansa, doon daw niya na-realize na puwede palang maging bahagi ng creative team ang pangunahing artista para lalong mapaganda ito.

Sabi ng bida ng Victor Magtanggol; “Nakakatuwa po kasi they really listen to my voice. Hindi po ‘yung sinabi lang na part ka ng creative pero we will still do things on our way.

“Nagulat nga po minsan may pinapakita sila sa akin na, ‘Alden okay ka ba dito? Alden okay ba sa ‘yo ang costume, okay ba sa ‘yo yung script? Which made me even love Victor Magtanggol more, kasi nabigyan po ako ng parang sense of ownership po eh,” masayang pahayag ni Alden.

PAK: Pagkatapos magkaroon ng gender-reveal party ang mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman na ginanap sa One Rockwell kamakalawa ng hapon, nag-decide na ang mag-asawa na magli-leave na si Lara sa trabaho dahil bandang end of September ay iluluwal na niya ang pangalawang baby boy nila ni Marco.

Sabi ni Marco, medyo nahirapan na raw si Lara magbiyahe papuntang taping dahil malaki na ang tiyan nito.

Nakakatuwa nga raw si Lara dahil kahit buntis na ito, nagagawa pa niyang maglagare ng taping sa Bagani at ang bagong teleserye nitong Halik na pinagbidahan ni Jericho Rosales.

Masaya nilang ini-reveal sa nakara­ang party na baby boy nga ang iluluwal ni Lara at ang naisip daw nilang ipangalan ay Tobias, na ang ibig sabihin daw ay “God is good.”

Gusto raw sana ni Marco ng baby girl dahil boy ang panganay nilang si Noah. “Ang importante, healthy siya at tatlo na lang, puwede na ako bumuo ng basketball team,” pabirong pahayag ni Marco.

“Parang napanaginipan na kasi ni Lara bago siya nabuntis na lalaki raw. Ako I’m praying and hope na sana boy and girl para mas malambing sa daddy,” dagdag niyang pahayag.

Kaya naman inspired lalo si Marco na magtrabaho dahil lumalaki na ang pamilya nila.

“Sobrang blessing ngayon na mabuti timing nga na ako meron akong trabaho, pag wala naman ako, meron naman siyang (Lara) trabaho. Tiwala lang kay Lord na He will provide all the needs namin,” masayang pahayag ni Marco.

BOOM: Okay na naman daw sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Isang fan ang nag-post sa kanyang Instagram account ang mga kuhang sweet na sweet ang dalawa sa isang event sa SM Mall of Asia nung nakaraang Linggo, July 29.

Masaya na muli si Loisa pagkatapos nitong umiyak-iyak habang kumakanta sa fiesta sa Libmanan, CamSur nung nakaraang linggo.

Kung ayos na nga uli sina Loisa at Ronnie, nagkakalabuan na naman daw itong sina young actor/singer at young actress na kasabayan nung dalawa.

Pero ang ipinapakita sa fans, sweet pa rin sila at walang kaproble-problema.

Nagbakasyon nga raw si young actor sa isang tourist destination na mag-isa lang at sinasabi sa mga friends na nagkakalabuan na sila ng nobyang young actress.

Si young actress naman ay namataan sa isang birthday party kasama ang guwapong anak ng isang events organizer na kilalang-kilala ng mga taga-showbiz.

Nagkakanya-kanya na nga raw itong sina young actor at young actress dahil hindi na kagaya ng dati ang kanilang relasyon.

vuukle comment

LARA QUIGAMAN

MARCO ALCARAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with