^

PSN Showbiz

May pinagdaraanan, Loisa naiyak habang nagpe-perform!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
May pinagdaraanan, Loisa naiyak habang nagpe-perform!
Loisa

PIK: Tungkol sa maliit na nanay ang dalawang proyektong naibigay ng GMA 7 kay Superstar Nora Aunor.

Una niyang ginawa ang Little Nanay, at ngayon ay tungkol pa rin sa maliit na nanay ang ibinigay sa kanya na kung saan tungkol sa isang nanay na may one growth disorder na tinawag nilang Achondroplasia.

Sa August 6 na ito magsisimula sa GMA Telebabad at sa trailer pa lang ay mukhang interesting na at may bagong karakter ang ipapakilala, si Jo Berry.

Proud si Ate Guy sa proyektong ito dahil naging bahagi siya sa launching na kay Jo Berry na magsisilbing inspirasyon sa mga taong katulad niya, ang tinatawag na ‘little people’.

Naniniwala si Jo na dito sa Onanay, mababago niya ang mga pananaw ng mga manonood sa mga tinatawag na ‘little people’.

PAK: Isa si Loisa Andalio sa naimbitahan sa ginanap na fiesta sa Libmanan, Camarines Sur ka­makalawa lang, July 26.

Nagulat na lang kami nang kinanta niya ang awi­ting Tadhana, naging emotional ito.

Hindi niya halos natapos ang kanta at guma­garalgal ang boses na humihingi ng sorry.

Sinabi lang niya sa mga fans na “basta mahal ko po kayong lahat.”

Walang nakaalam kung bakit naiyak si Loisa.

Napansin namin doon sa CamSur na tahimik lang ang Kapamilya young actress. Ano nga kaya ang pinagdaraanan nito?

Ngumiti lang ito at umiiling. Pati ang handler niya na nang tanungin namin ay napangiti na lang, okay lang daw si Loisa.

Mukhang may pinagdaraanan ito na sabi ng ilang fans na nakigulo sa kanya, sana hindi raw si Ronnie Alonte ang problema nito. Sana okay pa rin daw sila ni Ronnie.

Sa imbitasyon nina Cong. Nonoy Andaya at  Arch. Maribel Eusebio, kasama ni Loisa na nag-perform sa Libmanan ang grupong Ex Battalion, Boobsie Wonderland at Erik Santos.

BOOM: “It’s good to be back,” masayang pahayag ni Gary Valenciano na puwedeng puwede na raw bumalik sa pag-perform sa stage.

Mahigit dalawang buwan ding nagpahinga si Mr. Pure Energy pagkatapos siyang operahan.

Guest siya sa Magandang Buhay na ipinalabas na kahapon.

Puwede na raw siyang kumanta, pero hindi pa raw siya puwedeng sumayaw.

“Bawal pa rin yung tipong sayaw. Sabi ng doktor nasa akin na yun eh kung kaya kong gawin. Pero nasubukan ko, at minsan nakakaramdam ako ng konting discomfort dito sa operation on my kidney,” pahayag ni Gary V.

Pero nakakapag-bike na raw siya at tuluy-tuloy pa rin ang therapy niya.

Natutuwa naman daw ang mga therapist niya dahil ang laki na araw ng improvement niya.

Sa mga susunod na araw ay magiging abala na si Gary sa paghahanda sa 35th anniversary niya sa showbiz.

Tatlumpo’t limang universities ang iikutin niya para mag-perform.

Kakaibang campus tours daw itong gagawin niya dahil hindi lang daw siya basta magko-concert doon kundi gusto raw niyang makahalubilo ang mga estudyante.

“Gusto ko pang makilala yung mga estudyante at ma-feel ang mga universities,” pakli ni Gary V.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with