^

PSN Showbiz

Kris wala nang pag-asa sa dating pamilya

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang matatagalan pa siguro bago magbukas ang pintuan kay Kris Aquino ng dati niyang home studio, ang ABS-CBN dahil hindi siya pinayagang makapag-promote sa mga programa ng Kapamilya Network para sa pelikulang pinagsamahan nila nina Julia Barretto at Joshua Garcia, ang I Love You, Hater na produced ng film outfit ng ABS-CBN, ang Star Cinema including Boy Abunda’s Tonight with Boy Abunda TV prog­ram.

Boy is not only very close to Kris (and her fami­ly) kung hindi ito rin ang namamahala sa kanyang mga product endorsements. Ganunpaman, hindi rin siya pinayagang mag-guest sa TWBA, isang patunay na strained na ang relasyon ni Kris sa dating home studio na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon.

But in fairness to Kris, sa kabila na mahigit dala­wang taon na siyang walang TV show ay hindi pa rin ito nawawalan ng mga product endorsements sa telebisyon, isang patunay na meron pa rin siyang strong following.

Anne inuulan ng grasya

Ang actress-TV host at concert star na si Anne Curtis ay isa ngayon sa pinaka-busy dahil bukod sa kanyang daily noontime na It’s Showtime kung saan niya kasama sina Vice Ganda, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Amy Perez, Mariel Rodriguez, Ryan Bang at iba pa ay sunud-sunod din ang kanyang movie projects this year na kanyang sinimulan sa hit movie nila ni Dingdong Dantes, ang Sid & Aya (Not A Love Story) na dinirek ni Irene Villamor for Viva Films, nakatakdang ipa­labas ang kanyang first action movie na BuyBust na dinirek ni Erik Matti at co-production ng Viva Films at Reality Entertainment na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide on August 1.

Ang nasabing pelikula ay nakatakda ring i-release sa Amerika at sa iba pang bansa. Pinaghahandaan na rin ni Anne ang kanyang ikatlong major concert sa Big Dome (Smart Araneta Coliseum) on August 18 para sa kanyang AnneKulit: Promise Last Na ‘To na inaasahan na namang magiging sold-out tulad ng kanyang naunang major two concerts, ang Annebisyosa: No Other Concert in 2012 at ang AnneKapal in 2014 na parehong ginanap din sa Smart Araneta Coliseum.

Anne’s August 18 major concert sa Big Dome will mark her 21st anniversary in showbiz.Natapos na rin niya ang kanyang third mo­vie for this year, ang horror film na Aurora na idinirek ni Yam Laranas under Viva Films at isa sa mga kalahok sa darating na 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa rami ng mga commitments ni Anne, mukhang mauurong ang pagkakaroon nila ng baby ng mister niyang chef na si Erwan Heussaff.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with