^

PSN Showbiz

Vice nag-hello sa presinto, Terrence nagpaliwanag sa rambulan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Vice nag-hello sa presinto, Terrence nagpaliwanag sa rambulan

ILYH nina Joshlia at Kris, matamlay sa takilya

PIK: Ayon sa aming reliable source, naka-5.5M daw ang kinita ng pelikulang I Love You Hater na nagbukas na nung nakaraang Miyerkules, July 11.

Ewan ko kung magkano ang inilabas na press release ng Star Cinema. Pero ayon sa aming source, mababa ito sa ini-expect ng taga-Star Cinema.

Target daw kasi nila mahigit 100M ang kikitain nito, pero kahit pumik-up pa ito sa weekend, parang mahirap itong habulin.

Depende kung talagang aariba ito nang husto. Marami raw kasing naka-schedule na block screening.

Hindi pa namin napanood ang pelikula pero sabi ng ilang nakapanood, pampamilya raw ito at maraming hugot lines.

PAK: Naka-relate pala si Benjamin Alves sa role na gina­gampanan niya sa Kapag Nahati ang Puso.

Na-involved pala siya sa isang matured woman na me­rong anak na halos kaedad na niya.

Hindi naman daw niya napagsabay ang mag-ina pero sobrang tagal na raw iyun nung nagmu-model pa siya.

Kuwento ni Benjamin sa nakaraang presscon ng bagong drama series nilang Kapag Nahati ang Puso; “I dated somebody older than me before. Hindi naman po siya ano…di ba pag nakikipag-date bawal naman tanungin yung ilang taon ka na. So, hindi ko po talaga tinatanong.

“Nung nalaman ko na mas matanda siya sa akin, wala na po yun. Mas nauna na po yung puso bago yung edad. Wala po sa akin yung edad.

“I was younger then. That was a long time ago. Sa modeling kasi you don’t know their real age eh.”

Hindi naman daw isyu sa kanya kung mas matanda sa kanya ang babae, basta nagmamahalan sila ang mahalaga. Pero sila naman ngayon ni Ju­lie Anne San Jose ay okay na okay at hindi nga isyu sa kanila na ang serye ng girlfriend ang papa­litan ng drama series nila na magsisimula na sa Lunes, July 16.

Proud si Benjamin sa Kapag Nahati ang Puso dahil nakita ang pinaghirapan niya para mapaganda ang katawan. Ang laki kasi nang ipinayat niya at ang dami niyang topless scenes na kung saan nakikita ang bonggang abs niya.

Hindi lang naman daw ang abs niya ang bentang-benta rito, pati raw ang kina Zoren Legazpi at David Licauco na hindi rin nagpatalo sa abs.

“Kapag Nahati ang Abs na nga yata ang title nito,” natatawang paha­yag ni Benjamin.

BOOM: Nakiusap ang sikat na basketbolistang si Terrence Romeo na huwag na raw sa­nang palakihin ang isyung bugbugan na nangyari sa isang bar sa Quezon City kahapon ng mada­ling araw.

Mabilis na kumalat ang balitang nasangkot sa bugbugan sa Guilly’s bar si Terrence nang hinarang daw ng mga kasamahan nito ang isang gustong magpa-picture sa kanya.

Nilinaw ni Terrence na hindi siya nasangkot sa naturang gulo, dahil kaagad siyang inilayo. Mga bystanders daw ang nakipagsapakan at umiwas na raw sila.

Kaagad namang na-download sa social media ang CCTV na kuha sa naturang bar.

Maaga pa kahapon ay nag-post agad si Terrence sa kanyang Twitter account.

Sabi nya; “I’m in my house right now. I’m not held up in any prison or station, No need to make a fuss. Watch the CCTV I believe it’s somewhere in social media right now. I didn’t do anything. Let the video speak for itself.

“Anyway, both camps are okay naman na. Goodnight.”

Pero ilang netizens ang nag-comment na si Te­rence daw kaya ang pinatutungkulan ni Vice Ganda sa It’s Showtime kahapon na may tinanong siyang “Kumusta presinto?”

vuukle comment

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with