^

PSN Showbiz

Male personality na malaki ang kinita sa kampanya, nabuko na ang raket

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa problemang kinakaharap ngayon ng isang kilalang male personality ay biglang naalala ng mga dati niyang nakakasama sa mga proyekto ang kuwento ng nakaraan niyang pagpasok sa mundong bago sa kanya.

Ilang beses na siyang nagtangka sa mundo ng pulitika pero palagi siyang nabibigo. Kung ang barometro ng pananalo ay kasikatan ay matagal na sanang nakaposisyon ang male personality.

Kuwento ng aming source, “Maraming nagbibigay ng donation sa kanya, milyun-milyon, pero ang problema lang, e, hindi niya naman ‘yun ginagamit sa mga proyektong dapat niyang paggamitan.

“Kahit sa kampanya pa lang, parang hindi naman niya iniintindi kung mananalo siya o matatalo, parang okey lang sa kanya ang kung anumang mangyayari.

“Tinitipid niya ang campaign, parang ayaw niyang gumastos, tasadung-tasado ang ibinibigay niyang budget sa pagrolyo ng kampanya. Ang dami-daming nagbibigay sa kanya ng pondo, pero tinitipid niya naman,” simulang kuwento ng aming impormante.

Mabigat din kuno ang katawan ng male personality, in short, may katamaran siya. Pinipili lang niya ang mga lugar na pupuntahan niya sa kampanya, mas gusto pa niyang nasa bahay lang siya, kaya parang hindi nga siya seryoso sa pinasok niyang linya.

“May mga panahon na ni hindi siya nag-iikot, pinipili lang niya ang mga probinsiyang bibisitahin niya. Meron bang seryosong ganu’n na hindi naman gumagawa ng paraan para manalo siya?

“Napagkukuwentuhan tuloy siya, parang tinatanggap lang niya ang mga donasyon sa kanya, pero hindi niya naman ‘yun ginagastos sa kampanya. Hindi regular ang paglabas niya, kapag nasumpungan lang niya, sino naman ang mananalo sa ganu’n?

“Ngayon, problemado siya, ipit na ipit siya sa controversy na kailangan niyang sagutin. Kasi nga, mga tao lang naman niya ang kumikilos, hindi naman siya, kaya nabulaga na lang siya sa mga nangyari!

“Naku, magbalik na lang siya sa dati niyang trabaho, mas mabuti pa. Maganda ang disiplina niya sa linya niya, professional siya, mahal niya kasi ang work niya,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vice tuluyan nang nilaglag si Kris 

Meron bang problema sa pagitan nina Kris Aquino at Vice Ganda? “Asawa ko” ang dati nilang tawagan, palagi silang magkasama, para silang kambal na kung nasaan ang isa ay nandu’n din ang isa.

Pero kapansin-pansin na nang mawala si Kris sa ABS-CBN ay parang wala na rin silang komunikasyon. Pinagbawalan kaya ng network si Vice sa pakikipagkaibigan pa rin sa aktres-TV host?

Ni hindi nagkukuwento si Kris sa kanyang IG posts tungkol kay Vice, ang komedyante naman ay ganu’n din, ang tanging kuneksiyon na matatawag ay kapag ginagaya-gaya ni Vice ang boses at paraan ng pagsasalita ni Kris sa kanyang noontime show.

May isang tagasuporta si Kris na nagtanong sa kanya, may problema ba sa pagitan nila ni Vice? Sa palagay ba ni Kris ay magkaibigan pa rin sila?

Ang tanging sagot ni Kris ay “I hope so…” ‘Yun lang. Walang labis, walang kulang, ganu’n lang kasimple ang na­ging tugon ni Kris sa tanong.

May nabuong konsepto sa isip ng kaibigan naming propesor tungkol sa isyu, ang kanyang komento, “Mula kasi nu’ng mawala na sa Dos si Kris, e, parang tumabang na ang friendship nila ni Vice. Parang naapektuhan ‘yun ng pagkawala ni Kris sa network.

“E, di ba, that was the time na kailangan ni Kris ng mga kaibigan? Wala na kasi siya sa ABS-CBN, wala na siyang show, kaya mga friends na susuporta sa kanya ang kailangan niya.

“And that was also the time na parang lumayo na si Vice kay Kris. Napakalalim nga naman ng friendship nila, pero bakit nu’ng mawala na si Kris sa station, e, biglang bumaklas na sa kanya si Vice?

“’Yun ang basa ko sa sagot ni Kris na ‘I hope so.’ Parang umaasa pa rin siya na magkaibigan pa rin sila, pero parang feeling niya, e, hindi na,” madiing basa ni prop sa sitwasyon.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with