^

PSN Showbiz

Marian sasabak sa MMFF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Marian sasabak  sa MMFF
Marian

Sa presscon ni Marian Rivera para sa special episode at anniversary presentation ng Tadhana na airing na sa Saturday, June 23, nabanggit nitong may gagawin siyang pelikula this year. Sa one-on-one interview sa kanya, napaamin si Marian na horror ito sa APT Entertainment at si Mike Tuviera magdidirek.

Pero baka may pagbabago sa director at dahil may movie contract pa si Marian sa Regal Entertainment, baka i-co-produced ng Regal ang balik-pelikula ng aktres. Ang hindi kinumpirma ni Marian ay kung pang-Metro Manila Film Festival ang movie niya.

Ang narinig namin, ‘pag hindi kasama sa mapili sa MMFF ang movie ni Marian, mas maaga ang playdate nito. So, anong gusto n’yo, sa MMFF ang mo­vie o earlier ang playdate?!

Sa June 29, ang announcement ng MMFF sa first four movies na matatanggap sa MMFF based sa script submission. Hintayin natin ang araw na ‘yun.

Samantala, kinabukasan pagkatapos ng presscon ni Marian ng Tadhana, may TVC shoot ito ng bagong endorsement, ang sabi nito, “new campaign. Sa June 28, naman, may pa event ang Hana shampoo. Hindi namin naitanong kung renewal ng kontrata niya o may announcement o kung feel lang ng Hana na magpa-event.

Anyway, si Dingdong Dantes ang director ng Tadhana episode ni Marian kasama sina Jackielou Blanco, Lotlot de Leon, Emilio Garcia at iba pa. Nabanggit ni Dingdong na working with his wife sa Tadhana, na-realize niya kung bakit mahal si Marian ng fans nito at ito’y dahil sa mahal ni Marian ang kanyang trabaho at professional.

 Jerald naka-focus sa bibilhing bahay 

Sa kwento ni Jerald Napoles, kaya ang Viva Films ang magdi-distribute ng The Write Moment  movie nila ni Valeen Montenegro dahil nagustuhan ng mga taga-Viva Films ang pelikula nang mapanood nila ito. Naniniwala ang Viva na malaki ang chance ng movie sa box-office ‘pag pinalabas starting June 27.

Nagpapasalamat si Jerald, Valeen, director Dominic Lim at ang IdeaFirst sa offer ng Viva Films to distribute the movie, lalo na at hindi Viva talents sina Jerald at Valeen. Nangako ang dalawa na tutulong sa promo ng pelikula at nagbiro nga si Jerald nang makausap namin na kahit ano ang ipagawa sa kanya, gagawin niya.

In fact, nag-record siya ng version niya ng theme song ng movie at ire-release niya online para dagdag promo sa showing nito, “Hugot movie” ang tawag ni Jerald sa The Write Moment at tiniyak na marami ang makaka-relate lalo na ang mga may problema sa love life.

Malapit na rin ang showing ng pelikula ni Jerald with Dennis Trillo na Mina-Anud at tapos na ang movie nila ni Alex Gonzaga na Nakalimutan Kong Kalimutan Ka na ang writer at director at si Fifth Solomon, brother ni Chariz Solomon.

Kaya gustong maging successful ni Jerald dahil gustong ibili ng bahay ang nanay niya at gusto ring madala ito sa ibang bansa. Ang first target niya ay dalhin sa Hong Kong ang ina na alam niyang matutuwa ito ng husto.

 Miss Manila candidates  matindi ang labanan sa Miss Photogenic

Sana nanalo si candidate no. 16 sa Miss Manila 2018 na si Therese Marie Marguerette Gaston dahil siya ang ibinoto namin at ng ibang press people na Miss Photogenic sa press presentation ng 32 official candidates sa Miss Manila. 

In fairness, pawang magaganda ang mga kandidata at ang pustahan ng mga reporter, ang ilan sa kanila, sasali sa Bb. Pilipinas o kaya’y Miss World Philippines.

Maganda ang pagpapakilala sa 32 candidates sa Miss Manila 2018 na ang nasa likod ay ang City of Manila and MARE Foundation, together with Viva Live in celebration of Araw ng Maynila. Hindi lang beauty ang hinahanap, pati ang empowerment, personifies social awareness, and embodies a true Manileña with grace, passion and optimism.

Ang Grand Coronation Night ay gagawin sa June 26, 8pm., sa Philippine International Convention Center Reception Hall. Ang airing ay sa July 1, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN. Bukod sa mara­ming prizes, ang mananalo ay magri-represent sa City of Manila sa iba’t ibang functions at events. 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

JERALD NAPOLES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with