^

PSN Showbiz

Kris pabigat lang daw sa ABS-CBN!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kris pabigat lang daw  sa ABS-CBN!
Kris

Malabong makabalik

“Baggage kasi siya sa ABS-CBN. Siguro pag naiba na ang climate ng pulitika,” comment ng isang insider ng Kapamilya sa status sa sinasabing pagbalik ni Kris Aquino sa kanilang network

Ayon pa kasi sa source, literal na bi­nabaril ang mga story about Kris kahit na nga anong ingay nito sa social media.

Kahit daw minsan naka-line up na ang story, hindi raw talaga umeere.

Kahit ang coverage sa I Love You, Hater, naka-focus kay Joshua at Julia. Kakapiraso lang ang kay Kris na umere sa TV Patrol.

Nabanggit din naman ni Kris sa presscon ng I Love You, Hater na naiintindihan naman niya ang situation ng ABS-CBN dahil nga hindi pa nga raw ito nakaka-renew ng franchise sa congress or something to that effect.

Anyway, para ngang desperada na si Kris kay QC Mayor Herbert Bautista. Wow talagang gusto nitong panghinayangan nito ang katawan niya na seksi na nga naman na inilantad niya during the presscon.

Pero in all fairness, nagtagumpay naman si Kris. Hindi na napag-usapan ang tungkol sa pelikula. Ang personal na niyang story ang bumida. At walang nagawa ang Star Cinema na usually ay hindi pinapayagan pag-usapan sa kanilang presscon ang mga personal ng mga bida sa kanilang pelikula.

vuukle comment

HATER

I LOVE YOU

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with