^

PSN Showbiz

Timing sa father’s day… Ellen nanganak na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Timing sa father�s day� Ellen nanganak na?!
Ellen

Buntis si Jennica Garcia sa second baby nila ni Alwyn Uytingco kaya matatagalan pa bago siya maging active uli sa showbiz.

May nakakita kay Jennica sa isang mall somewhere in Mandaluyong City na mag-isa na nagsa-shopping. Nakikilala pa rin daw si Jennica ng mga tao, kahit maiksi na ang kanyang buhok at matagal nang hindi napapanood sa TV.

Isa lamang si Jennica sa mga personality na buntis ngayong 2018. Nauna nang manganak sina Jolina Magdangal at Cristalle Belo.

Pahulaan pa kung isinilang na ni Ellen Adarna ang panganay nila ni John Lloyd Cruz pero may tsismis na due date niya noong nakaraang linggo.

Mahihirapan ang mga tsismosa at intrigera na malaman kung nanganak na si Ellen dahil sure ako na magi­ging maingat na sila ni John Lloyd para lalong maprotektahan ang privacy nila.

Tiyak na pinaghandaan at may mga paraan na ginawa ang mag-dyowa para hindi mag-leak sa publiko ang mga impormasyon tung­kol sa pagsisilang ni Ellen, matapos lumabas noon ang picture ng pagpapa-check up ng former sexy star sa isang ospital sa The Fort.

Pero katulad nang madalas na sinasabi ko, walang puwedeng ilihim sa showbiz kaya sooner or later, tiyak na lalabas ang mga information tungkol sa panganganak ni Ellen.

Alfred at Misis nagbibigayan ng space

Today is Father’s Day kaya “Happy Father’s Day” sa lahat ng mga tatay, especially sa mga alaga ko na sina Bong Revilla, Jr.,  Christopher de Leon,  Tonton Gutierrez, Paolo Contis, Jolo Revilla at Alfred Vargas.

Sure ako na bibisita ngayon kay Bong sa PNP Custodial Center ang kanyang mga anak para personal na i-greet siya ng happy father’s day.

Nauna nang bumati kay Bong si Jolo na nag-graduate noong Miyerkules at inialay sa tatay niya ang kanyang college diploma.

Sure ako na ipagdiriwang din ni Alfred at ng kanyang asawa at mga anak ang Father’s Day dahil day off niya tuwing Linggo.

 In good form si Alfred dahil may advance Father’s Day treat siya sa sarili noong nakaraang linggo. Three days siya na nag-check in sa The Farm para mag-detox at may permiso ito ng misis niya na malaki ang tiwala sa kanya.

Napakaganda ng relasyon nina Alfred at Yasmine dahil binibigyan nila ng space ang isa’t isa.

Magkalayo naman ngayong Father’s Day sina Christopher at Sandy Andolong dahil may shooting ito ng Bea Alonzo-Aga Muhlach movie sa Vancouver, Canada.

Sure ako na ipagdiriwang ni Paolo ang Father’s Day, kasama ang kanyang girlfriend na si LJ at ang anak nito na si Aki.

Perfect father and husband si Tonton nang rumampa ito noong Huwebes sa birthday fa­shion show ni Arielle Agasang, ang BFF ng kanyang mi­sis na si Glydel Mercado. Kasama ng mag-asawa sa pagrampa ang kanilang mga naggagan­dahan na anak na future artistas.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with