^

PSN Showbiz

Aktor nagbayad para ‘di mabunyag ang iskandalo

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kinunan na pala sa Victor Magtanggol ang isa sa mga matitinding action scenes ni Alden Richards at tuwang-tuwa siya dahil nagawa naman niya ang mga bigating stunts na kinunan sa isang palengke na kung saan nagpatalun-talon siya at nagpadausdos sa tiles.

First time raw na nagawa ni Alden ang ganung stunts na ginabayan naman ni direk Dominic Zapata. Mabuti na lang at dumaan siya sa parkour training kaya napaghandaan naman niya ang eksenang iyun.

Nagawa niya nang bonggang-bongga itong mga action scenes niya, kaya tingin daw niya kakayanin niya kahit wala nang double.

PAK: Totoo kayang nakarating sa aming nakatanggap daw ang isang blogger/writer ng napakalaking halaga para lang hindi maipalabas ang video at litrato ng isang kilalang male personality?

Ayaw talagang sabihin ng source namin kung sino itong male personality, pero malaking iskandalo raw sa pamilya kung sakaling lumabas ito. Bawal daw kasi ang ginagawa niya kasama ang ilang kagrupo, na malayung-malayo sa kanyang imahe.

Kaya, para hindi lang ito lumabas, nag-give raw ang kampo nitong kilalang male personality ng malaking halaga. Hindi lang kami sure kung meron na raw itong monthly allowance para hindi na talaga ilalabas ang kontrobersyal na kuhang iyun.

BOOM: Dumating na si Kris Aquino sa bansa kasama ang dalawa niyang anak galing Japan dahil doon nila sinilebrayt ang kaarawan ni Joshua.

Tinext ng isang kaibigan namin kahapon kung sumagot na raw ba si Mocha Uson sa kanya.

Wala pa raw siyang natatanggap na mensahe mula kay Mocha kung tatanggapin ba nito ang hamon na magharap sila.

Sinubukan naming hingan ng statement ang PCOO Chief Martin Andanar, wala pa siyang napadala as of presstime. Wala pa siyang sagot sa text namin.

Pero nakausap pala ni Manay Lolit Solis si Martin at sinabi lang daw niyang nandiyan pa rin daw ang complete trust ni Pres. Digong Duterte kay Mocha.

At kung ano man daw ang pinu-post nito at ginagawa, hindi raw pinapakialaman iyun ng ating pangulo dahil opinyon naman daw iyun ni Mocha.

Isa sa mga araw na ito ay baka humarap si PCOO Chief Andanar sa mga movie press para sagutin ang mga katanungan ng mga reporters.

Sinubukan din naming hingan ng opinyon ang ilang celebrities na may posisyon sa gobyerno, deadma muna raw sila dahil umiiwas na lang sigurong makisawsaw.

vuukle comment

DOMINIC ZAPATA

VICTOR MAGTANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with